Luis Manzano proud to call girlfriend Angel Locsin "mine"; Angel flies solo to Batanes for her 30th birthday

Luis Manzano’s sweet birthday message for girlfriend Angel Locsin: "I will forever be proud that at the end of the day, I get to call you MINE. Happy birthday Kiti ko,” says Luis in his Instagram post last night April 22. Angel is currently celebrating her 30th birthday with what seemed to be a solo trip in Batanes as part of her new bucket list.


“I will forever be proud that at the end of the day, I get to call you MINE.”

Ito ang mensahe ni Luis Manzano para sa girlfriend niyang si Angel Locsin, na nagdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan ngayong araw, April 23.

Sa Instagram post ni Luis kagabi, April 22, inihayag ng Kapamilya TV host-actor ang kanyang pasasalamat kay Angel na nagbibigay-inspirasyon at palaging nakasuporta sa kanya.

Ito ang kabuuan ng birthday greeting ni Luis para kay Angel:

“Happy birthday to the blessing in my life that ties my whole life and all my other blessings together.

“Thank you for being a rock when I’m weak and a cheerleader when I’m strong. As you hit the big 3-0, know that you have been an angel to me so many people and touched and changed so many lives, including mine.

“I will forever be proud that at the end of the day, I get to call you MINE. Happy birthday Kiti ko.”

Nito lang nakaraang Martes ng gabi, April 22, dumalo ang magkasintahan sa surprise birthday celebration na inihanda ng Swatch para kay Luis, na nagdiwang naman ng kanyang ika-34 kaarawan noong April 21.

Dito ay nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sweet moments ng magkasintahan na halos hindi mapaghiwalay noong gabing iyon.

Pinasalamatan din ni Luis si Angel na isa umano sa mga tumulong na mag-organisa ng birthday party ng TV host-actor.

Read: Luis Manzano and Angel Locsin's PDA moment

ANGEL’S SWEET MESSAGE FOR LUIS. Mayroon ding hiwalay na mensahe si Angel para kay Luis, na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account noong April 22.

Sabi ni Angel patungkol kay Luis: “My rockstar❤️ Happy birthday kulet!

“I hope nag-enjoy ka sa party mo kagaya namin :)

“Habang tinitignan ko ang mga bisita mo kanina, sabi ko sa sarili ko, ang daming nagmamahal sa boyfriend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kagaya ko, nakikita rin nila na mabuti kang tao. Ang galing lang noh?

“Ang swerte ko na ako ang mahal mo :)”

Matatandaang unang naging magkasintahan sina Luis at Angel noong 2007, ngunit naghiwalay sila noong July 2009.

Pagkatapos ng apat na taon na paghihiwalay ay nagkabalikan ang dalawa noong unang bahagi ng 2014.


ANGEL’S SOLO BIRTHDAY TRIP. Samantala, makikita sa pinakahuling Instagram posts ni Angel na tila mag-isa siyang nagtungo sa Batanes upang magdiwang ng kanyang kaarawan.

Base sa caption ng kanyang Instagram posts, bahagi ito ng bucket list ng aktres ngayong tumungtong na siya ng 30 years old.

"Gusto ko sana ng celebration na makakatulong sa akin maging excited sa big 30.

"Mas maging responsible, thankful, matured.. Chos. Haba na.

"Kaya naisip ko itong '30 acts of kindness' and '30 things to do.'

"Hindi ko pa tapos ang listahan ko pero sa ngayon...

"'I WANT TO WITNESS SOMETHING MAJESTIC.'

"Sana magawa ko! #turningthirty," pagbabahagi ni Angel sa kanyang Instagram post kagabi, April 22.

Tapos na ang birthday ni boyfie😊 harapin ko na itong birthday ko, hehe! ako yung tipo ng tao na hindi sanay mag-party pag birthday.. and honestly, naguguluhan ako kung paano ba magce-celebrate kung hindi naman ako excited mag 30..(girls, gets nyo siguro ang feeling na to), but my friend told me na dapat i-celebrate daw ang 30th birthday for luck.. Pero bilang "ako" nga ito, kung kelangan mag celebrate, eh di sige. pero kung pano ko gusto :) Gusto ko sana ng celebration na makakatulong sa akin maging excited sa big 30. Mas maging responsible, thankful, matured..chos :p haba na. Kaya naisip ko itong "30 ways to celebrate my 30th birthday", "30 acts of kindness", & "30 things to do..". Hindi ko pa tapos ang listahan ko pero sa ngayon.."I WANT TO WITNESS SOMETHING MAJESTIC". Sana magawa ko!😊 #turningthirty

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onApr 21, 2015 at 2:37pm PDT

Ngayong Huwebes ng umaga, April 23, ibinahagi rin ni Angel ang isang larawan kung saan makikitang may mga kasama siyang tila mga bagong kakilala sa kanyang solo trip sa Batanes.

Sabi ni Angel sa caption ng naturang Instagram post: “Fun & memorable dinner last night.

"Thank you po Nay Delia at sa family niyo sa pagbusog po sa akin at sa masayang kwentuhan!

"Ito po ang pinakamasarap na kain ko dito sa Batanes! Kahit I’m alone, I’m not alone! Gulo ko! Haha!”

Kalakip nito ay ang hashtag na "#30thingstodobeforeturning40"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN