Kris Aquino prefers someone close to her age: "I deserve a man."

Kris Aquino agrees “that most men really do become sexier in their 40s.”


Tinanong ni Boy Abunda si Kris Aquino kung totoo ang kasabihang nagiging “yummier” ang isang lalaki habang tumatanda.

Nangyari ang kanilang usapan sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight, Miyerkules ng gabi, April 22.

Sagot ni Kris, “Sinabi ko naman ito so many times, 'di ba?

"I was with someone who’s close to 20 years older, I was with someone already about 10-plus years older, I was with someone 10 years younger… lahat ng spectrum.”

Nagkaroon ng relasyon noon si Kris sa aktor na si Phillip Salvador , na 17 taon ang tanda sa kanya. Si Phillip ang ama ng panganay na anak ni Kris na si Josh.

Labintatlong taon naman ang tanda sa kanya ng isa pa niyang ex-boyfriend, ang comedian na si Joey Marquez.

Eleven years naman ang tanda ni Kris sa dati nitong asawa na si James Yap, ama ng bunsong anak niyang si Bimby.

Saad pa ng 44-year-old TV host-actress, “And I’ve been with someone also close to my age.”

Marahil ang tinutukoy ni Kris ay ang pinakahuling boyfriend niya, si Quezon City Mayor Herbert Bautista, na dalawang taon lamang ang tanda sa kanya.

“And yung close to your age, ang the best,” deklarasyon pa ng Queen of All Media.

Ipinaliwanag din ni Kris kung bakit pinakamagandang karelasyon ang taong malapit ang agwat ng edad.

“Walang explanations, nagkakaintindihan kayo kung ano yung music.

"Alam niyo kung sino yung mga icons, alam mo kung ano yung mga movie and all.

“Pero totoo din naman talaga that most men really do become sexier in their 40s,” nakangiting lahad ng actress-host.

Humirit naman si Boy na “less complicated, simpler” ang mas bata.

Buwelta naman ni Kris, “Boy, na-try ko na, hindi nga nag-work.”

Marahil ang tinutukoy ni Kris ay ang pagsasama nila ng dating asawa na si James.

Ibinahagi rin ni Kris ang sinabi ng isang taong malapit sa kanya, kung anong tipo ng lalaki ang bagay sa Queen of All Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someone told me—[someone] that I respect very much and whose opinion I value—who said, ‘Kris, you deserve a man, not a boy.

“And I’m saying, I deserve a man,” pagtatapos ni Kris sa paksa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN