Vice Ganda reveals downside of being the biggest "gay star" in the country

Vice Ganda on successful showbiz career: "Hindi ko rin naman nakita itong buong-buong mangyayari. Basta masaya lang, trabaho lang ako nang trabaho, patawa lang ako nang patawa. Bahala na.”


Walang duda na si Vice Ganda ang pinakamalaking “gay star” ngayon sa Pilipinas.

Mapa-pelikula man, telebisyon o concert scene ay talagang tinatangkilik ng mga manonood ang kanyang mga proyekto.

Ano ang pakiramdam?

Sagot ni Vice sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, wala namang ibang gay star sa Pilipinas maliban sa akin, kay Pooh, kay Chokoleit, at saka kay Sweet [John Lapus].”

Pero siya lang ang tinaguriang “Phenomenal Box-Office Star.”

Sabi ni Vice tungkol dito, “Masaya, kasi sa dinami-rami, ako talaga yung binigyan ng chance ng mga tao.

“Ang saya ko, sobrang blessed ko talaga.”

LONGEVITY. Hindi nga raw akalain ni Vice na magtatagal ang pamamayagpag niya sa local entertainment industry.

Lahad pa niya, “Alam niyo, si Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN executive], kinakausap niya ako dati.

“Kapag gumagawa siya ng career plans ko na, ‘I’m giving you two years…’

“Una, ang sabi niya pala sa akin, ‘I’m giving you three years.’

“Tapos, bago matapos and third year, sabi niya sa akin, ‘I’m giving you another two years.’

“Tapos nag-five years na ako, noong huli kaming mag-meeting, sabi niya sa akin, ‘Matagal ka pa.’

“Nabigla nga raw siya, hindi niya nakita. Akala niya, two years.

“Tapos huling sabi niya sa akin, matagal pa.

“Kaya masaya… hindi ko rin naman nakita itong buong-buong mangyayari.

“Basta masaya lang, trabaho lang ako nang trabaho, patawa lang ako nang patawa.

“Bahala na.”

THE DOWNSIDE. Sa estado niya ngayon, saang aspeto siya nahihirapan?

Tugon ni Vice, “Nahihirapan ako sa pag-a-adjust ng personal kong buhay.

“Madali sa akin yung… nadadalian ako sa trabaho. Madali lang sa akin yun.

“Pero yung sa personal ako nahihirapan.

“Yung, ‘O, tapos na, akin na ulit yung oras.’

“Nahihirapan akong bawiin yung oras na para sa akin sana.

“’O, akin na muna ‘to, puwede bang sarili ko muna?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Hindi, hindi ka makalabas…’ ang hirap nun.

“Katulad kahapon [April 22], nasa mall ako, kasi kailangan kong mamili ng gamit.

“Namimili ako ng painting, magsasara na yung gallery. Hinahabol ko talaga yung gallery.

“Tapos yung mga tao, pa-picture naman.

“Sabi ko, ‘Pasensiya na po, hinahabol ko yung gallery.’

“Tapos, ‘Suplado naman pala sa personal…’

“Yung ganun, napabuntung-hininga talaga ako dahil hindi nila maintindihan.

“Puwede bang, ‘O, sa akin muna itong oras, kasi may hinahabol talaga ako.’

“Nahihirapan talaga ako sa ganun.

“Yung parang dapat, showbiz ka palagi.

“E, ‘di ba, minsan gusto mong ipaliwanag ang sarili mo?

“Pero huwag na lang, kasi hindi rin naman maiintindihan.

“Ang hirap ng palaging may masamang masasabi sa ‘yo.

“Saka, yun nga, parang mas madaling magsabi ng masama sa isang tao kesa maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN