FIRST READ ON PEP. KC Concepcion breaks silence on breakup with Paulo Avelino

Mahigpit ang bilin ng handlers ni KC Concepcion na huwag tanungin ang Kapamilya star tungkol sa kanyang lovelife, ngunit pinagbigyan ng actress-TV host ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang mga katanungan tungkol sa breakup nila ni Paulo Avelino.


Iwas na iwas si KC Concepcion na matanong tungkol sa breakup nila ni Paulo Avelino.

Ngunit sa pakiusap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pumayag na ring magbigay ng maiksing pahayag ang Kapamilya actress-TV host.

Sa exclusive interview ng PEP, naitanong namin kay KC ang tungkol sa naudlot nilang relasyon ni Paulo.

Ano ang maaari niyang ibahagi sa publiko na gusto ring malaman ang naging sanhi ng hiwalayan nila?

Tugon ng 30-year-old actress-TV host, “Honestly, I’ve come to the point where I realized I would like to keep my lovelife private.

“Ang dami ko na rin kasi sigurong na-share sa public, kasi love ko kayo.

"Pero siguro for myself, this time, I’d like to keep my lovelife private.

“Not just for me but also for the person I’m with.”

Ngunit ano ang dahilan ng kanilang breakup?

Medyo natatawang sagot ni KC, “Wala naman.

“Ayoko nang pag-usapan, ‘coz I’m very positive...

"I’m very happy and I’m happy for my loved ones and hope that they would be happy with their choices in life."

Was it a bad breakup?

Medyo napaisip muna si KC bago sumagot.

Pag-iwas niya, “I’d like to keep my life private… thank you so much, mga Kapamilya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP si KC sa presscon ng Lukso! Cirque De La Vie show, na inorganisa ng Cameleon Association, sa Discovery Primea Hotel, Makati City, Huwebes ng tanghali, April 23.

Si KC ang Godmother of Cameleon Philippines, na tumutulong sa mga babaeng naabuso ng kanilang mga kamag-anak.

Nakabase ang foundation sa Iloilo City at nilalayon ng konsiyerto na makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng survivors.

Gaganapin ang show sa May 14, sa Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World Manila.


“BATO-BATO SA LANGIT.” Matagal nang napabalitang may espesyal na relasyon sina KC at Paulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit walang kumpirmasyon na nagmula sa dalawa, hanggang sa umamin si Paulo na nagkaroon nga sila ng ugnayan ni KC, pero hiwalay na sila.

Walang anumang detalyeng ibinigay ang Kapamilya actor tungkol sa dagliang hiwalayan nila.

Read: Paulo Avelino admits relationship with KC Concepcion; but didn’t give details of their breakup

Bago pa ito, nauna nang naitanong kay Paulo kung totoo bang naghiwalay na sila ni KC.

Pero ang sagot ng aktor, “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Read: Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Sa nakalap na impormasyon ng PEP, umabot ng mahigit isang taon ang relasyon nina KC at Paulo.

Baling ng PEP kay KC sa presscon niya kanina: Nasaktan ba siya sa sinabi ni Paulo na wala namang magkaibigang nagbi-break?

Diretsong tugon nito, “Hindi!”

Sa huli, inusisa rin namin si KC tungkol sa kanyang post sa Twitter tungkol sa “turn-offs” niya sa mga lalaki.

Tugon niya, “Because may nagtanong.”

Read: KC Concepcion reveals her major turn-offs: "Disrespect, hiding a lot of things, an acid tongue, and bad hygiene."

Diretsong tanong ng PEP: Wala ka namang pinatatamaan?

Natawang sabi ni KC, “A, marami namang lalaki sa mundo... bato-bato sa langit!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN