Donita Rose speaks up about rumored separation from husband Eric Villarama

Donita Rose on issue concerning her marriage: “Medyo I’m taken aback with all the questions that people are asking. Because, right now, I’m in the middle of an issue with my husband. And parang hindi naman pelikula or teleserye yung buhay namin. That’s a private matter na hindi ko alam kung bakit lumalabas ng ganito ngayon, at marami ang nagtatanong.”


Nagsalita na si Donita Rose tungkol sa usap-usapang hiwalay na raw sila ng kanyang asawa na si Eric Villarama.

Sinadya siya ng Startalk at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Donita sa set ng bagong primetime series ng GMA, ang Let The Love Begin, nitong Miyerkules, April 22.

Wedding scene ang kinukunan, kaya medyo naasiwa raw si Donita sa naturang eksena dahil inamin niyang may problema siya sa kanyang married life.

Pahayag niya, “Medyo surreal ang word to describe what’s going on because itong eksena ng kasalan, and then all of a sudden, I’m getting bombarded with questions about marriage.”

Itinanggi ni Donita ang isyung hiwalayan, pero aminado siyang may pinagdadaanan silang mag-asawa.

Isa raw ito sa pinakamabigat na pagsubok na pinagdadaanan nila sa loob ng kanilang labindalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ikinasal sina Donita at Eric sa Santa Barbara, California, noong June 2003.

GOING THROUGH A TRIAL. Nakiusap ang Kapuso actress-TV host na huwag muna siyang tanungin tungkol sa problema nilang mag-asawa, dahil ang concern niya ay ang kanyang 10-year-old son.

Saad ni Donita, “Alam niyo naman, in any marriage, there are times when you go to trials.

“And this is one of those times we’re going through some trials.

“I’m hoping, sana kasi… I’m getting asked a lot of questions lately.

“I feel bad kasi alam naman ng mga tao kung gaano ako ka-transparent.

“But it’s hard, because meron akong anak na nasasaktan din sa mga pangyayari. I just need to protect him.

“Pasensiya na po kung hindi ko masyadong ma-express yung sarili ko ngayon.”

Kaya hangga’t maaari ay nais daw iwasan ni Donita ang naturang isyu dahil mas gusto niyang maging pribado ang bahaging ito ng kanyang buhay.

“Medyo I’m taken aback with all the questions that people are asking.

"Because, right now, I’m in the middle of an issue with my husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And parang hindi naman pelikula or teleserye yung buhay namin.

“That’s a private matter na hindi ko alam kung bakit lumalabas ng ganito ngayon, at marami ang nagtatanong.”

Patuloy ni Donita, “Marami ang nagti-text sa akin or tumatawag, and everybody is concerned.

“So, I just wanna say thank you for all the love and support that I’ve been getting from people.

“I think, kailangan kong palampasin yung situation.

“I’m sure we will be able to overcome this and we will be okay.”

THIRD PARTY? May kumakalat pang inisyu na may third party involved diumano sa pinagdadaanan nila ngayon ni Eric, pero hindi pa ito masagot ni Donita ngayon.

“I don’t know… I don’t know. Let me find out, and let me figure this out,” sabi niya.

Nag-uusap pa rin naman daw sila ni Eric, pero hindi pa masabi ni Donita kung ano ang mapagdedesisyunan pagdating ng kanyang asawa sa Pilipinas.

“Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap what’s going to happen.

“I’m begging everyone, please… you know, I have a son.

“He doesn’t really know what’s going on right now. I’m just really worried about him,” sabi ni Donita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN