Gabbi Garcia flattered by comparison to Joyce Jimenez

Kapuso young actress Gabbi Garcia on being compared to former sexy star Joyce Jimenez: “Siguro yung… feeling ko, yung sa face lang naman yung nako-compare ako.”


Marami ang nagsasabing kamukha ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia ang dating sexy actress at “Pantasya Ng Bayan” na si Joyce Jimenez.

Ayon kay Gabby, kilala niya si Joyce at flattered daw siyang maikumpara dito.

“Opo naman po. Grabe po!

“Ever since kasi, kahit before pa, naririnig-rinig ko na rin po ‘yan.

“Siyempre po, si Miss Joyce Jimenez, napakaganda naman po talaga.

“Sobrang ganda niya po talaga.”

Pero sa mga litrato lang daw niya nakita si Joyce.

“Pero napakaganda niya po talaga,” ulit pa ng dalaga.

Wala raw problema kay Gabbi kung sa isang dating sex symbol ikinukumpara ang mukha niya

“Siguro yung… feeling ko, yung sa face lang naman yung nako-compare ako.”

Aminado si Gabbi na hindi siya kasing-sexy ni Joyce noong kasagsagan ng kasikatan ng dating aktres.

“So, ayun, siyempre napakaganda po ni Miss Joyce kaya nakaka-flatter po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa grand launch ng pinagbibidahan nilang teleserye ni Ruru Madrid sa GMA Network, ang Let The Love Begin.

Ginanap ang launch nitong Huwebes ng gabi, April 23, sa Studio 7 ng GMA Network Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN