Gladys Reyes says Amalia Fuentes well-behaved at MTRCB gathering for Liezl Martinez’s 40th day after death

“Mabuti nga, medyo tahimik na, ’di ba?" says Gladys Reyes about MTRCB giving honors to the late Liezl Martinez in two separate occasions. One graced by her mother Amalia Fuentes alone and the other, with her husband Albert Martinez and their children in full attendance, without Amalia.


Bilang kaibigan at dating kasamahan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), isa si Gladys Reyes sa um-attend sa pamisa't selebrasyon para sa 40th day ng kamatayan ni Liezl Martinez.

Ginanap ang salu-salo sa mismong tanggapan ng MTRCB noong April 22, Miyerkules.

Dumalo rin dito ang ina ni Liezl, ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes, na dati ring MTRCB board member.

Isang posthumous award din ang iginawad kay Liezl, sa pangunguna ng kasalukuyang MRCTB chairman na si Atty. Eugenio "Toto" Villareal.

Sa kuwento ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tahimik lang daw si Amalia at magiliw sa mga empleyado. Wala rin daw silang narinig na kung anumang hindi magandang komento ang dating Sampaguita Pictures contract star sa pamilya Martinez.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin kasi ang hidwaan sa pagitan ni Amalia at ng son-in-law nitong si Albert Martinez, pati na rin ang apo nitong si Alyanna Martinez.

Lahad ni Gladys, “Mabuti nga, medyo tahimik na, 'di ba?

"Like the other day, nag-celebrate kami ng ika-40 days ni Ate Liezl, nagkaroon kami ng misa at lunch for her.

"And Tita Amalia was there, she was invited.

"We felt na we should give respect naman sa mommy ni Ate Liezl.

“And we also gave the immediate family of Ate Liezl the same respect on a separate occasion.

"Sila naman yung nandun sa inauguration ng Liezl Martinez Hall, nasa fourth floor ng MTRCB building, ipinangalan namin sa kanya.

"She [Liezl] had done so much para sa MTRCB, like, aesthetically, dun sa preview rooms, even yung hall.

“Ibang-iba na ang kabuuan ng opisina namin, yung look as compared before.

"Kaya we felt na dapat lang talagang bigyang halaga ang contribution ni Ate Liezl."

Nakausap ng PEP si Gladys sa grand presscon ng bagong GMA primetime series na Let The Love Begin, nitong Huwebes, April 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOBER. Kumusta naman si Amalia sa buong selebrasyon? Hindi ba ito naging emotional o nagpasaring sa kanyang itinuturing na "kaaway"?

Sagot ni Gladys, "Wala, she was very quiet.

"Pinakinggan lang niya yung parang eulogy ng mga kaopisina namin, nag-mass pa, medyo na-late ako.

"Then we welcomed her dahil dati rin siyang board member ng MTRCB.

"Ipinakita namin sa kanya yung mga ginagawa namin, ganun lang.

"Hindi nga siya nag-insist na magbigay ng speech, e, pero tuwang-tuwa naman siyang makita ang Liezl Martinez Hall."

(Photo courtesy of Mario Hernando)

Dugtong pa ng Kapuso actress-TV host, "Nang makita niya ako, sinabi lang niya na, 'O, dapat nagsalita ka rin kanina.'

"Love ako ni Tita Amalia, kasi nung mag-guest siya sa MOMents nun, gandang-ganda siya sa akin sa personal.

"Sabi niya, 'Ba’t sa TV ang taba mo?' ganyan-ganyan."


GOOD PERSON. Mayroon daw wish si Gladys para sa kanyang Ate Liezl, na pumanaw dahil sa breast at lung cancer.

Sabi ng aktres, “Sana talaga peaceful na siya, no more pain, or sufferings, puro happiness na lang talaga.

“Kasi yung mga nai-contribute niya noong nabubuhay pa siya, yung mga na-touch niyang lives… hindi na mabubura yun, e.

"Kahit ako, yung three, fours years na magkasama kami sa MTRCB, kahit first time kaming mag-meet, para kaming magdyowang inseparable na kami.

"Nag-jibe kaagad kami. Oathtaking pa lang, magkatabi na kami.

"Intimidated pa nga ako, kasi akala ko masyadong sosyal."


TATAK QUEEN. Pagkatapos nito ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa pagbabalik ni Ai-Ai sa Kapuso network.

Pareho silang nasa cast ng Let The Love Begin, na mag-uumpisang mapanood sa May 4.

Sabi ni Gladys, "Ay, nakita ko naman na sobrang happy siya.

"Napaka-warm ang pag-accept sa kanya at ipinaramdam sa kanya na, literally, siya ay isang queen, 'di ba?

"Nakatatak na 'yan sa history [ng showbiz] kahit may sumulpot pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Pag sinabi mong Comedy Queen, equals Ai-Ai de las Alas na 'yan.

"Tatak na niya yun, pero dito sa Let The Love Begin, roller-coaster siya.

“Magpapatawa siya, may drama, merong nagagalit siya, meron hindi rin siya nagpapatalo sa akin.

"So, iba't ibang faces niya ang makikita rito."

Masaya nga raw si Gladys na nasa parehong bakuran na sila ni Ai-Ai dahil sa totoong buhay ay magkaibigan sila ng komedyana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN