Keanu Reeves to Manny Pacquiao: “Pleased to meet you.”

Isa na namang Hollywood star ang nakilala ni Manny Pacquaio nang bisitahin siya sa kanyang bahay ng The Matrix star na si Keanu Reeves ngayong Biyernes, April 24.


Isa na namang international star ang nakadaupang-palad ng Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao nang bisitahin siya ng The Matrix star na si Keanu Reeves sa mismong bahay ng boksingero sa Los Angeles, California.

Naganap ang pagkikita sa Los Angeles house ni Manny nitong Biyernes, April 24, Biyernes.

LOOK: Manny Pacquiao gets a visit from Hollywood star Keanu Reeves

Sa Instagram account ni Manny, nag-post siya ng larawan kasama ang asawang si Jinkee at si Keanu.

May caption na: “Thank you Keanu Reeves for visiting me and my wife @jinkeepacquiao.

“God Bless you always.”

Thank you Keanu Reeves for visiting me and my wife @jinkeepacquiao God Bless you always.

A photo posted by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) onApr 23, 2015 at 2:18pm PDT

Samantala, sa Instagram account naman ng ABS-CBN sports reporter na si Dyan Castillejo, sinabi nitong dumating si Keanu sa bahay ni Pacman sakay ng kanyang motorbike.

Makikita naman si Keanu sa mga larawan na nakasuot ng black leather jacket.

Sa isang Instagram post ni Dyan, sinabi niya na “mutual fans” sina Manny at Keanu.

Isang video clip din ang ipinost ni Dyan nang magkita at mag-shake hands ang dalawang sikat na personalidad.

Maririnig si Keanu nang sabihan niya si Manny ng: “Pleased to meet you.”

Keanu to Pac : honor to meet you

A video posted by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) onApr 23, 2015 at 11:50pm PDT

Sinabi rin ni Dyan na nagkausap sina Keanu at Manny.

Nag-post din ng mga larawan si Jinkee kasama ang Hollywood actor.

Nagpasalamat si Jinkee sa pagbisita ni Keanu at nag-caption ng mga katagang “blessed to have met you” at “I’m a huge fan.”

❤️❤️❤️I'm a huge Fan ❤️❤️❤️ Thank you Keanu Reeves for visiting!

A photo posted by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) onApr 23, 2015 at 4:04pm PDT

Bukod kay Keanu, may iba pang Hollywood celebrities ang nakipagkita kay Manny upang ipakita ang suporta nila sa Pinoy boxer sa nalalapit na bakbakan nila ni Floyd Mayweather Jr.

Kabilang dito sina Sylvester Stallone, Mark Wahlberg, Robert Duvall, at sport athletes gaya nina Jeremy Lin, Erik Morales, Ronda Rousey, Stephen Curry, at marami pang iba.

Magaganap ang laban nina Pacquiao at Mayweather sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, sa May 2 (May 3 sa Pilipinas).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN