Lauren Young on going public with her current relationship: "Why will I have a relationship kung itatago ko lang?"

Kapuso actress Lauren Young reveals she and non-showbiz boyfriend Robbie Garcia have been a couple for nine months now.


Inamin ni Lauren Young na siyam na buwan na ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Robbie Garcia.

Magkasamang dumalo ang magkasintahan sa grand launch ng bagong campaign ng isang hair product na ginanap sa The Theater ng Solaire Resort and Casino, noong Martes, April 21.

Ito ang unang pagkakataong isinama ni Lauren ang nobyo sa isang work-related social function.

“Oo nga, 'no? Thank you for pointing that out,” bungad na pahayag ni Lauren sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


LAIDBACK ROMANCE. Ayon kay Lauren, isa sa advantages ng pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend ay mas relaxed ang kanyang pakiramdam at hindi niya alintana kung anuman ang iisipin ng ibang tao.

“I guess, showbiz is such a weird and hectic world that it’s nice to be with someone who brings me down,” sabi ng Kapuso actress.

Taliwas sa ibang showbiz personalities na mas gustong pribado ang kanilang lovelife, sinabi ni Lauren na hindi isyu sa kanya ang magbahagi ng detalye tungkol sa karelasyon niya ngayon.

Paliwanag niya, “I don’t make an effort to keep it private.

“I don’t make an effort na ipagmayabang ko to the world na I’m with someone.

“It’s there.Why will I have a relationship kung itatago ko lang?

“You’re supposed to be with someone you’re proud to be with.

“I’m very proud to be with Robbie.”

Bukod sa pareho silang 21 years old, gaya ni Lauren ay sa Subic din lumaki si Robbie.

Sa katunayan, kagagaling lang nila ng Subic noong nakaraang linggo upang magbakasyon bago lumipad ang nobyo ni Lauren patungong Europe.

Isang buwan umanong mananatili sa ibang bansa si Robbie, na katatapos lang ng kursong Entrepreneurship sa De La Salle University.

Nagkaroon din ng pagkakaton ang PEP na makausap si Robbie hinggil sa plano niyang pasukang trabaho ngayong tapos na siya ng kolehiyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng binata ukol dito, “I’m gonna travel, sightsee first, and then eventually go into corporate.”

Dagdag pa ni Robbie, nagustuhan niya kay Lauren ang pagiging maalaga ng aktres.

Aniya, “She takes care of me. She cooks for me. She’s very nice.”


MEGAN YOUNG. Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Lauren, inihayag ng aktres na bukas siyang makatrabaho ang nakatatandang kapatid na si Megan Young na opisyal na nagbalik-Kapuso noong nakaraang buwan.

Pahayag ni Lauren ukol dito: “Given the opportunity, I’m not gonna shut it down.

"But, at the same time, I’m not gonna ask to be on the same show with Megan.

“We have never really worked with each other before. So, I think it’s better if we both have different career paths.

"And we want different things with our career."

Sa ngayon ay excited si Lauren na mapabilang sa bagong teleseryeng niluluto ng GMA Network.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapareha, ito ang naging sagot ng 21-year-old actress, “Kahit sino.

"I’m kontrabida naman, e. So I don’t really have a leading man.

“I prefer it that way.

"I like that I stand on my own and I don’t need to depend on a partner to help me with my career.”

Kumportable ba siyang gumanap bilang kontrabida?

Sagot ni Lauren, “I love doing kontrabida roles.

"I think being a kontrabida adds more to the story because without us, there’s really no basis to a story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN