Gabbi Garcia denies rivalry with Bianca Umali and Ash Ortega: "We’re very good friends."

Gabbi Garcia is now being paired with Ruru Madrid, who was the former screen partner of Ash Ortega. "Ang ka-loveteam ni Ash ngayon sa InstaDAD, si Juancho Triviño. I’m pretty sure magkakaro’n din siya [Ash] ng time niya.”


Sa hanay ngayon ng mga kabataang artistang babae sa GMA, isa si Gabbi Garcia sa sinasabing maaaring pumalit sa trono ni Marian Rivera.

“Ay, nakaka-flatter po talaga,” ang reaksiyon ni Gabbi sa obserbasyong ito.

“Kasi si Ms. Marian naman po Primetime Queen, so…

“Sa ngayon po, focused muna ako sa Let The Love Begin and sa InstaDAD.


"Sana makita rin ng mga tao kung gaano ako ka-dedicated at ka-passionate sa craft ko.”

Kung may rivalry dati sa pagitan nina Barbie Forteza at Bea Binene, ngayon naman ay tila sila ni Bianca Umali ang pinagtatapat.

May kumpetisyon ba sa pagitan nila ni Bianca na sinasabi ring primetime-queen material?

“Sa napi-feel ko, so far naman wala pa naman po akong nae-encounter na ganyan.

“‘Tsaka off-cam very close po kami ni Bianca, we’re very good friends.

“Kahit last year pa, yung hindi pa kami masyadong nalo-launch, before Once Upon A Kiss pa [show nina Bianca at Miguel Tanfelix].

"We’re very good friends and sa ngayon wala po akong nakikitang ganung level ng kumpetisyon, wala naman po.”

IT'S HER TIME. Close din daw sila nila ng Insta DAD co-star na si Ash Ortega, at wala raw inggit kahit pa mas nabibigyan siya ng big breaks ngayon.

“Actually very close naman po kami ni Ash kahit nung My Destiny, magka-tent kami, nagkukuwentuhan kami.

“After ng My Destiny, matagal kaming nawalan ng projects pero magkasama kami sa workshops, sa kung anu-anong guestings.

"Never naman kaming nagkaroon ng ilangan, never kaming nagkaroon ng alitan between us.”

Orihinal na kapareha ni Ash si Ruru Madrid na ngayon, bilang si Erick, ay kapareha ni Gabbi, bilang si Pia, sa Let The Love Begin.

“Alam ko sila po talaga ang AshRu nga, ‘di ba? Sila talaga ang loveteam and, siguro, yung nangyari…

“Basta po ako ginawa ko lang po talaga yung best ko, especially sa My Destiny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binigyan ako ng…supposed to be, I was just gonna play a cameo role, I was gonna die talaga sa My Destiny.

“Siguro po ang masasabi ko, talagang naging dedicated ako sa work ko and I gave my everything talaga.”

Si Ash ay hindi dedicated?

“Ay hindi po, wala pong ganun,” at tumawa si Gabbi.

Pareho raw sila ni Ash na dedicated sa trabaho, pero bakit tila mas umalagwa ang career ni Gabbi ngayon?

“Ang makakasagot na lang po siguro niyan, yung fans, yung mga nanonood.

“Siguro andun yung time ng bawat artista and siguro may sari-sarili kaming time.

“Baka lang mas sinasabi ni Lord na time ko ito.

“Let’s see, ang ka-loveteam ni Ash ngayon sa InstaDAD, si Juancho Triviño.

“I’m pretty sure magkakaro'n din siya ng time niya.”

Ang My Destiny ay drama series nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Sid Lucero at Tom Rodriguez na ipinalabas June of last year.

Samantala, bukod kina Gabbi at Ruru ay mapapanood rin sa Let The Love Begin sina Ms. Ai Ai delas Alas bilang si Jeni, Donita Rose bilang Celeste, at Gardo Versoza bilang si Tony.

Sa direksyon ni Ms. Gina Alajar, kasama rin sa show sina Ms. Gina Pareño bilang si Lola Tacing, Gladys Reyes bilang si DJ Katy Fairy, Neil Ryan Sese bilang Simply Jay Zee, Noel Trinidad bilang si Manong Milton, at si Mark Anthony Fernandez bilang si Jom.

Nasa Let The Love Begin rin ang mga Kapuso young stars na sina Phytos Ramirez bilang si Uno, Abel Estanislao bilang si Makoy, Nomer Limatog bilang si Jules, AR Angel Aviles bilang si Elsa, at si Rita Daniela bilang si Luchie.

Mapapanood ito sa May 4 sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN