Luis Manzano on settling down with Angel Locsin: "Hopefully, very soon."

Luis Manzano on why Angel Locsin went to Batanes without him: "She wanted her solo time for her birthday. She has her own new bucket list na things to do before 35, before 40. And one of them, what she did was she wanted to see something majestic, and Batanes would be the perfect place for that."


Ayon kay Luis Manzano, ang girlfriend niyang si Angel Locsin mismo ang humiling na mag-solo travel siya para sa kanyang kaarawan.

Sa Batanes sinalubong ni Angel ang kanyang 30th birthday, at hindi nito kasama si Luis.

Saad ng TV host-actor, “She wanted her solo time for her birthday.

"She has her own new bucket list na things to do before 35, before 40.

“And one of them, what she did was she wanted to see something majestic; and Batanes would be the perfect place for that.

“So, she flew alone.

"Sabi niya, ‘Ibalato mo na sa akin 'to, na ako muna mag-isa.’

“Sabi ko, okay. How can you argue with that naman, 'di ba?”

Hindi naman pinigilan ni Luis ang kagustuhan ng kanyang girlfriend, basta sabihin lang nito kung saan siya pupunta at kung saan muna siya maninirahan.

Sabi pa ng TV host-actor, “I know, we all have that moment in life that we want to be alone, especially when women hit that big 3-0.

“So I had to give it to her din naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Luis kanina, April 24, sa launch ng M&Ms chocolates sa Eastwood Mall, Libis, Quezon City.

“YOU’RE MINE.” Nakabalik na si Angel mula sa solo birthday trip nito sa Batanes.

Hindi pa raw naibibigay ni Luis ang kanyang regalo sa girlfriend dahil ngayon pa lang sila magkikita.

Aniya, “Mamaya kami magkikita dahil kakabalik lang niya.

“And after this event, after a few things, I’m gonna see her, and that’s when I’m gonna give my gift.

“So hopefully she likes it.”

Marami rin ang pinakilig ni Luis nang mag-post siya ng sweet birthday greeting para kay Angel.

Sa kanyang post, sinabi ni Luis: “I will forever be proud that at the end of the day, i get to call you MINE”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Luis Manzano proud to call girlfriend Angel Locsin "mine"; Angel flies solo to Batanes for her 30th birthday

Nang tanungin tungkol dito, sinabi ni Luis na nais lang niyang ibahagi kung ano ang kanyang saloobin para sa girlfriend.

“You know, when I said na, 'She’s my rock when I’m weak and my cheerleader when I’m strong, and I’m very proud to call her mine,' ayun, it was basically me typing or talking from my heart.”

Pinasalamatan din ni Luis si Angel dahil lagi itong nasa tabi niya tuwing kailangan niya ng suporta.

“She’s always been there for me and she knows me.

“I don’t even have to say anything. She can see it in my eyes.

“If she knows that I need an encouragement, if she knows that I need a pick-me-upper.

“That’s why, e, she knows how to make me happy.”

Ano naman kaya ang pinaka-sweet na ginawa niya sa kanyang girlfriend?

“Nung ibinigay ko yung matamis kong oo!” biro ni Luis.

Pero seryoso niyang dagdag, “I don’t know e.

"You know, every day that we’re together is a sweet thing.

“You know, the way I see it, being sweet is not necessarily all the grand things in life.

“For me, being truly sweet is appreciating all the smaller things in life.

“Even a simple hug from behind when you least expect it.

“That could be the sweetest thing compared to a really fancy-schmancy dinner.

“Para sa akin, there’s always something sweet when it comes to how we are each day.”

WEDDING PLANS? Tinanong na rin ng PEP si Luis kung may plano na ba silang magpakasal ni Angel.

Sagot ng Kapamilya Deal Or No Deal host, “Hopefully, very soon.

"I’m not getting any younger. I’m 34, she’s 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, you know, hopefully, soon.

"But I do understand she’s very busy. She’s going to do two movies.

"So, I have to respect that naman na she still has many things to do in terms of what she wants to achieve and to provide to her family.”

Wala naman daw pressure sa kanila ang magpakasal, ngunit inamin ni Luis na humihiling na ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos ng apo.

Sabi ni Luis, “Si Mommy, mas namemressure ng apo. Mas apo pa, nagmamadali na siya sa apo.

“Sabi ko, si Ryan [his half-brother] muna pagawa natin, kasi marami pa akong ginagawa, so why not Ryan first?

“But yun talaga, si Tito Ralph [Recto, his stepdad], si Mommy, my dad [Edu Manzano], yun ang nilalambing sa akin—yung apo.”

BIRTHDAY. Samantala, ibinahagi rin ni Luis ang ilang detalye kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 34th birthday.

Noong Martes, April 21, isang party ang inorganisa ng brand na ineendorso ni Luis upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Kuwento ni Luis, “Yung salubong on the 21st, I was at home with my barkada, usual tradition.

“And on the 21st evening, I had a small get-together with Swatch at Swatch tower.

“Angel was there, my barkadas, staff from all my shows and, you know, lucky stars ng Deal Or No Deal.

“So it was a very pretty simple evening that ended pretty crazy."

Ano ang regalo ni Angel sa kanya?

“Gift niya sa akin, I don’t want to elaborate na, but she gave something she knows I’ll appreciate no matter what.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN