FIRST READ ON PEP. Janno Gibbs bids goodbye to GMA Network; reportedly moving to TV5

Pagkatapos ng halos 30 taon ay lilisanin na ni Janno Gibbs ang GMA Network. Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, nagpaalam na ang singer-comedian sa pamunuan ng Kapuso network kahapon, April 23.


Kumpirmadong nagpaalam na ang King of Soul na si Janno Gibbs sa Kapuso network, na naging tahanan niya sa loob ng halos 30 taon.

Nakakabigla ang balitang ito para sa marami dahil ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang ilunsad ni Janno ang kanyang bagong album under GMA Records, ang Novela.

Sa katunayan, noong lamang Martes, April 22, ay nagsagawa pa ng pocket presscon ang GMA Records para sa kanya upang i-promote ang naturang album.

Read: Janno Gibbs on SAS and ASAP competition: “Honestly, mahirap tapatan ang ASAP na head-on...”

Huling appearance na rin ng 45-year-old singer-comedian bilang Kapuso ang Sunday All Stars noong Linggo, April 19, dahil hindi na siya mapapanood sa nasabing musical-variety show ngayong darating na Linggo.

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may mga nakakita raw kay Janno kahapon, April 23, nang makipag-usap ito sa mga boss ng GMA Network, kasama ang kanyang manager sa PPL Entertainment, Inc. na si Perry Lansigan.

Dahil dito, nagkaroon agad ng haka-haka na ang pag-akyat ni Janno sa opisina ng mga boss ng network ay upang pormal na siyang magpaalam.

Ngayon ay nakumpirma ng PEP na nagpaalam nga ang singer-comedian kina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Jimmy Duavit, at iba pang GMA executives.

Naging maayos naman daw ang pagpapaalam ni Janno.

Buong respeto at malaking pasasalamat din daw ang ipinarating ni Janno sa pamunuan ng GMA executives at sa network mismo na nagsilbing tahanan niya mula 1986.

Kung tama rin ang nakarating na balita sa PEP, sa TV5 posibleng lumipat si Janno.

At ang unang magiging proyekto niya rito ay pagsasamahan nilang muli ng kanyang "Small Brother" na si Ogie Alcasid.

Si Janno ay isa sa original cast members ng dating youth-oriented show ng GMA na That's Entertainment.

Sa bakuran ng GMA rin nahasa ang talento ni Janno sa pagpapatawa. Ilan sa sitcoms na ginawa niya ay ang mga sumusunod: Ober Da Bakod, Haybol Rambol, Gillage People, Manoy & Mokong (kasama si Eddie Garcia), Beh! Bote Nga!, at Nuts Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin sa itinuturing na pinakamahusay na singers sa bansa, naging host si Janno ng musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars; naging bahagi rin siya ng Eat Bulaga.

Nakagawa rin ng ilang teleserye si Janno sa GMA: Lupin, Codename: Asero, Pilyang Kerubin, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, Pyra: Ang Babaeng Apoy, Paraiso Ko'y Ikaw, at My BFF.

Nag-host din si Janno ng game shows na Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? at Power of 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN