Iza Calzado reacts to Atom Araullo’s admission he has crush on her

Iza Calzado is very happy with her boyfriend Ben Wintle, but there are still men attracted to her, “Grabe, grabe talaga. Iiwanan ko lang si Ben kapag mga tipong Ryan Gosling o kaya, Fernando Zobel."


Noong Linggo ng hapon, April 19, sa Robinsons Magnolia ay inilunsad ang bagong proyekto ni Iza Calzado, ang LEVEL UP! Make That Change Now DVD.

Kaya mas lalong bumagay sa kanya ang titulong “Fitness Diva.”

Panimulang pahayag ni Iza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press, “Isa itong fitness DVD. I don’t know if that’s the term for it, pero it’s an inspirational DVD to encourage people to make a lifestyle change.

“Okay lang naman na malaman ka basta alam mo na nagwu-work-out ka.

“Yung isang ano ko rin siguro because my dad was very unhealthy.

“I loved my dad, but he was not the healthiest person on earth.

“He had a positive mindset that he had but physically, he really let go a long, long time ago."

Her dad Lito Calzado died of liver cancer in November 11, 2011.

Sa parte ng aktres, natutunan na niya ang kahalagahan ng pagiging fit sa murang edad dahil dati siyang obese.

Isa sa mga nakita niyang dahilan nito, “One of which also was the environment I lived in, yung aking unhealthy lifestyle.

“I guess, yung realization na kailangan baguhin ko yun para sa sarili ko at para na rin sa magiging anak ko.

“Kasi, ang tatay maagang nagkasakit.”


ATOM’S CRUSH. Hiningan din namin si Iza ng reaksiyon sa sinabi ng news reporter na si Atom Araullo na crush daw siya nito.

“Naku, wala lang masabi yun,” sabi naman niya.

Wala man lang siyang nararamdamang kilig?

“Hindi, crush ko siya noong high School ako at saka noong bata, noong Five & Up, big time.

“Kasi, sabi pa nila, sa Pisay [Philippine Science High School] siya nag-aral, so usap-usapan namin siya.”

Too late na si Atom, kasi nga may Ben Wintle na siya?

“Grabe, grabe talaga. Iiwanan ko lang si Ben kapag mga tipong Ryan Gosling na o kaya Fernando Zobel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang may asawa na e love ko yung asawa [Kitkat Zobel]."

Pagbibiro pa niya, “Yung ganung tipo ko lang iiwanan si Ben, kung hindi ganun ang tipo niyo e sorry na lang.

“Huwag na po kayong magtangka, sayang lang ang laway."

Humirit kami na ang taas naman ng criteria niya.

“Mataas talaga,” saad naman niya.

“Kung hindi mataas e di kung kani-kanino ka na lang bibigay, mahal ko na yung sarili ko.

“Kahit hindi ako perfect, kasama kasi ‘yan, e.

“You know what, one of the things that I also realized, your partner is also the reflection of how much you love yourself.

“Because if you give enough value to yourself, well, mataas ang standard mo.

“Kasi feeling mo ito ang deserve mo, you only get what you deserve.

“Kapag feeling mo hindi mo deserve, mababa ang self-esteem mo, which happened to me in the past, insecure ka.

“You’ll only get this much, you’ll keep falling for the wrong guys who will only hurt you.”

RENEWED CONTRACT. Samantala, tapos na ang tatlong taong network contract ni Iza sa ABS-CBN noong February.

“Pipirma na po ako. Kami po ay nagkausap na at ako po ay nagbigay na ng aking matamis na oo at sila rin naman ay nagbigay ng matamis na oo.”

Magrerenew raw si Iza ng panibagong dalawang taong kontrata sa network.

Bukod dito, busy rin siya para sa rehearsal ng kauna-unahan niyang stage play, ang Sabel, at katatapos din niyang gawin ang indie-international movie niyang Showdown in Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN