What will Ruru Madrid choose: his religion Iglesia ni Cristo or love?

Ruru Madrid is happy for the opportunity to work with Ai-Ai delas Alas in upcoming teleserye, "Ang suwerte ko talaga...Medyo nakaka-pressure lang.”


Hindi man pinalad na manalo si Ruru Madrid noon sa Protegé, isa naman siya sa mga nabibigyan ng magagandang oportunidad ng GMA ngayon.

Hindi maitatangging sa talent search kasi, ang totoong laban ay hindi nagtatapos sa pagtatanghal kung sinong nanalo.

Noong April 23, sa Studio 6 ng GMA-7 ay ni-launch na ang bagong primetime series ng Kapuso network, ang Let The Love Begin na pagbibidahan niya at ng ka-loveteam na si Gabbi Garcia.

Ano ang pakiramdam?

“Sobrang masaya nga po ako kasi, ito po ang first lead role ko sa primetime.

“Yun nga po, kailangan ibuhos ko po lahat. Kailangan ibigay ko po ang best ko para magtuluy-tuloy po ito.”



BEST EFFORT. Dalawang taon daw nang simulang pasukin ni Ruru ang showbiz bago niya nakuha ang pagkakataon na maging bida na sa isang primetime series.

Para kay Ruru, mabilis-bilis din daw ang nangyari sa career niya simula nang makasama siya sa Protegé.

“Parang ang bilis lang nga po, after po ng Protegé, nagkaroon ng Paroa, Akin Pa Rin Ang Bukas, Dormitoryo, My Destiny, 'tapos ito po.

“Pero ito pong opportunity na ‘to, ang tagal ko pong hinintay, ang tagal ko rin pong pinangarap.

"'Tapos ibinigay na nga po ng network. May pressure rin po ng konti kasi nga prime.”

Light drama, romantic comedy ang tema ng Let The Love Begin.

Sa ngayon daw, ayaw namang ikahon ni Ruru ang sarili niya sa isang genre lang.

“Ngayon po kasi, tina-try ko po ang lahat ng bagay. Tina-try ko ang drama, comedy.

“Siguro kapag nagka-edad na po ako, ita-try ko naman po ang action.”

Ang action daw talaga ang isa sa gustung-gusto niyang magawa.

WORKING WITH AI-AI. Isa raw aa ikinasasaya niya tungkol sa bagong teleserye ay makakasama niya si Ai-Ai delas Alas.

Kaya lang, “Medyo nakaka-pressure lang.”

Hindi raw inakala ni Ruru na sa pagbabalik-Kapuso ni Ai-Ai, makakasama pala niya ito sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po talaga ine-expect na kami ang makakasama niya.

“‘Tapos, nanay ko pa po siya kaya masayang-masaya po ako.

“Every time na nakikita ko siya, yung video na salubong kay Ms. Ai-Ai, nasasabi ko na, 'Grabe, ang suwerte ko talaga.'”

Isang beses pa lang daw niyang nakaka-eksena si Ai-Ai, pero sabi nga niya, sobrang gaan lang daw.

“Sobrang chill lang, ‘tapos the way ka niya i-treat off-cam and on-cam, para mo siyang nanay.

“Kaya masarap po siyang katrabaho, magaan lang, sobrang bait pa.”

TIMING. Kung titingnan, ang mga halos sunud-sunod na binigyan ng oportunidad ng network ay sina Alden Richards at Miguel Tanfelix, na parehong makapagbida sa primetime.

At ngayon, kasama na rin siya sa listyahan ng Kapuso leading men.

“Ako naman po, hindi ko naman po inisip yung mga ganung bagay.

“Si Miguel naman po, parang kapatid ko na po dahil kay Direk Maryo [J. delos Reyes] po siya.

“May mga panahon pong talaga… two years na nga po akong naghintay, ngayon lang ibinigay.

“Si Miguel naman, ang tagal din po niyang naghintay, since StarStruck kids pa, ngayon pa lang binigay.

“Depende po talaga, may tamang timing lang po talaga.”

GABBI. Silang dalawa ni Gabbi Garcia ang mga bida sa Let The Love Begin.

Kung makikita silang magkasama, hindi maikakailang very close sila sa isa’t-isa.

Sa mga Instagram post nga nila, puwedeng isipin talaga na sila na.

May romantic relationship na nga ba silang dalawa?

“Sana,” mabilis na sagot niya nang nakangiti at sabay bawi rin na, “Joke lang, hindi po, e."

Nanliligaw ba siya?

“Hindi pa po, e.”

Sa mga Instagram posts nilang dalawa, parang sila na.

“Hindi pa po. Sobrang close lang po talaga namin. Kahit nanay at tatay namin magkaibigan.”

Sila raw ni Gabbi, nagsimula raw silang maging malapit sa isa’t-isa nang magsama sila sa My Destiny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang serye pa lang nila, na-attract na siya sa ka-loveteam?

“Humanga po talaga ako agad sa hitsura niya.

“Bihira po kasi yung may ganun, Filipina beauty talaga siya.

“Alam niyo po yung kapag tinititigan niyo, hindi kayo magsasawa.”

CONFLICT. Hindi pa man, bukas na sa lahat kung ano ang posibleng maging hadlang para tuluyan nga niya itong ligawan o maging sila.

Isa na rito ang kanilang relihiyon.

Isang aktibong miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Ruru at si Gabbi naman ay isang Katoliko.

“Oo nga po,” nakangiting sabi niya.

May nagtanong naman kay Ruru kung sakali raw, ano ang pipiliin nito, religion o love?

“Sa ngayon po ako, religion po talaga.”

Sabi namin kay Ruru, halatang attracted talaga siya kay Gabbi. Pero dahil sa magkaiba nilang relihiyon, kakayanin niyang pigilan?

“Opo, kailangan ko pong kayanin, e.”

Malinaw talaga sa kanya na bilang INC, hindi talaga siya puwedeng magkaroon ng karelasyon sa hindi niya katulad ng paniniwala?

“Opo, malinaw naman po sa akin, sobrang active po ako pagdating po sa INC, alam ko na mali po talaga.”

Ipagdarasal ba niya na sana, ma-convert na lang si Gabbi na maging INC na rin?

“Sana po, yun na lang po ang ipagpi-pray ko,” nakangiting sabi niya.

Naitanong din namin kay Ruru kung napag-uusapan ba nila ni Gabbi ang tungkol sa magkaiba nilang relihiyon.

“Hindi kasi masyado pa po kaming mga bata.”

Si Ruru ay 17 habang si Gabbi ay 16.

Paano niya lang bibigyan ng label ang anumang meron sila ni Gabbi ngayon?

“Sobrang close po,” lahad niya. “Alam niyang espesyal siyang kaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN