Angel Locsin becomes more careful in choosing projects as she turns 30

Angel Locsinon turning 30: “Bilang babae, siguro po maiintidihan niyo na kung ano ang pakiramdam na ’yan. Hindi ko alam kung masaya po ba ako o ise-celebrate ko ba siya, magbi-birthday blues ba ako, ’di ba?”


Sa pagdiriwang ni Angel Locsin ng kanyang ika-30 na kaarawan, naglista raw siya ng mga gusto pa niyang gawin bago siya umabot sa edad na 40.

Sa press conference na inihanda ng ABS-CBN para sa aktres kahapon, April 24, naikuwento ni Angel na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pagtuntong niya sa edad na 30.

Aniya, “Hindi po ako magpapakaplastik, kaya rin po ako umalis kasi naguguluhan din po ako kung ano ang mararamdaman ko sa pagka-30 ko.

“Bilang babae, siguro po maiintidihan niyo na kung ano ang pakiramdam na 'yan.

“Hindi ko alam kung masaya po ba ako o ise-celebrate ko ba siya, magbi-birthday blues ba ako, 'di ba?

“Mas pinili kong mag-celebrate kung ano ang gusto ko so pumunta po ako sa Batanes.”

Dahil daw sa pagtanda niya muli ng isang taon, sabi ni Angel, “May mga goals kasi ako na feeling ko hindi ko pa nagagawa.

“So sisimulan ko po ngayon, simula 30 hanggang 40.

"Thirty things to do before I turn 40, 30 acts of kindness, may mga ganung drama ako ngayon.

“At least positive ako sa pagka-30 ko.”

Nagdiwang ng kanyang ika-30 na kaarawan si Angel noong April 23.



QUALITY OVER QUANTITY. Pagdating daw sa career nito, mas magiging mapili na raw ito sa role na kanyang gagampanan.

“Right now kasi nasa ano ka na, e. Siguro kasi medyo kuntento ka na sa ginagawa mo,” ani Angel.

“Parang dati, noong mas bata ako, mas habol mo 'yong quantity.

“Ngayon, parang mas quality talaga. Excited ako sa mga proyekto na naniniwala ako sa ipinaglalaban.”

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na siya madalas nakikita sa teleserye kumpara noong araw.

“Dati, sunud-sunod ang proyekto ko, hindi ko naman masyadong naiintindihan ang ginagawa ko.

“Ano rin, na-realize ko ang dami kong nararating sa career ko.

“Pero sa personal na buhay ko, sabi ko, 'Teka lang parang puro career ang ginagawa ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natututo rin ako na, 'Teka lang, hinay-hinay, matuto kang mag-balance.'”

Ito raw ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang trabaho para gampanan ang role ng asawa ng isa sa mga napaslang na Special Action Force members sa Mamasapano.

Sabi ni Angel, “Kapag may proyekto ako sa MMK, lagi akong masaya kasi minsan mo lang mailalabas 'yong ganung angle.

“Bukod sa story, ano kasi, ang tagal kong nabakante after Legal Wife so, kung aarte ako, gusto ko 'yong story na naniniwala akong may cause, 'yong may ipaglalaban tayo rito.”

Mamayang gabi mapapanood ang episode ng Maalaala Mo Kaya na pagbibidahan nina Angel at Coco Martin.



WORKING WITH COCO. Bukod sa magandang materyal, isa pa raw sa dahilan kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto ay makakatrabaho niya si Coco.

Kuwento ni Angel, “Bukod sa napakagandang story na prinesent nila sa akin, noong sinabi nila na si Coco, sabi ko, okay na ako.

“Gusto ko kasi talagang makatrabaho si Coco, e.”

Biro pa niya, “Walang nag-i-invest sa amin.

“Nagpapasalamat ako na, at least, kahit sa MMK, nagkaroon ako ng chance na makatrabaho ko siya.”

Marami raw natutunan si Angel bilang katrabaho ni Coco.

“There's something about him that makes you feel na kailangan mas lalong mong pagbutihan ang trabaho mo, mas lalo mong ma-appreciate.

“Kasi ito 'yong tao na ang dami nang naabot sa buhay niya, pero very humble at very down-to-earth.

“At nakakatuwa kasi hindi niya nakakalimutan kung paano siya nagsimula.

“Hindi siya nagbago, ganun pa rin siya, walang kaarte-arte."

Sa huli, hiling ni Angel, “Sana magkaroon pa ng chance na makatrabaho ko siya. Ito kasi, nai-starstruck pa ako sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN