Carl Guevara clears rumors linking him to Vice Ganda: “Hindi ako yun.”

Carl Guevara quashes rumors linking him to Vice Ganda: “Wala. Before, naka-same condo kami pero ang tagal na nun, 2010 pa. Nakakasabay ko siya sa elevator. Iba na rin ang condo ko ’tsaka ang tagal na nun, 2010 pa yun, e.”


“Ah, hindi, hindi,” ang mabilis na sagot sa amin ni Carl Guevara nang tanungin namin kung tuluyan na ba siyang umalis sa GMA.

“Actually, wala akong contract sa GMA and sa TV5 so kahit saan ako magtrabaho, okay. Wala akong contract. Per show lang ako, freelancer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl kahapon, April 24, sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, para sa presscon ng Wattpad Presents ng TV5.

Male lead si Carl bilang si Sic Santos sa Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) na pinagbibidahan ni Toni Aquino (as Lala Lazaro), ang anak ng komedyanang si Ruby Rodriguez.

Kasama rin sa show si Ruby bilang diwata na si Diyosa Thick-Thick na nagbigay ng sumpa kay Lala.

Sa direksyon ni Elaine Lozano, mapapanood ito sa TV5 simula sa Lunes, April 27, hanggang Biyernes, May 1, 9 P.M.

Tinanong namin si Carl kung ano ang huling show niya sa Kapuso network.

Pag-alala niya, “I think ano, Bukod Kang Pinagpala.

“Pero nakakapag-guesting ako sa kanila sa Wagas, minsan Maynila, sa mga GMA NewsTV shows, nagge-guest ako, sa mga game shows nila.”

ON KRIS BERNAL. Sa GMA nagkakilala at nagkaroon ng relasyon sina Carl at Kris Bernal, pero tulad ng alam ng lahat…

“Wala na kami, actually four months kaming hindi pa nagkita simula nun.”

Kahit raw sa pamamagitan ng text ay wala silang komunikasyon ni Kris, pero hindi naman daw sila on bad terms.

Paglinaw niya, “Hindi, hindi, hindi...

“Siguro natapos yung relationship namin sa hanggang doon na lang. Kasi kung... feeling ko 'pag may text pa, alam mo yung mas mahirap mag-move on, 'di ba?

“Kasi hindi naman yung agad pagka-break niyo, text mo siya. Parang kumbaga, sa akin kasi pag nag-break kayo, ang hirap maging kaibigan, 'di ba?

“Puwede naman siguro, mga katagalan maging magkaibigan din kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw nililigawan si Carl ngayon.

NO TRUTH TO VICE GANDA RUMORS. Tinanong naman namin si Carl tungkol sa isyu na inili-link siya kay Vice Ganda.

Mabilis niyang tanggi, “Wala. Before, naka-same condo kami pero ang tagal na nun, 2010 pa.

“Yung dito sa... diyan sa Scout [area sa Quezon City].

“Nakakasabay ko siya sa elevator."

Si Carl diumano ang itinatagong tunay na boyfriend ni Vice Ganda.

“Talaga? Hindi ako yun,” at tumawa si Carl.

“Hindi ako yun.”

Ngayon daw ay hindi na sila sa same building nakatira.

Paglinaw pa niya, “Iba na rin ang condo ko.

“'Tsaka ang tagal na nun, 2010 pa yun, e.

“Kakalipat ko lang ng GMA, kasama ko si Perry [Lansigan, Carl’s manager] maghanap ng condo.

“Tinutulungan niya ako nun maghanap ng condo.

“'Tapos nakapili ako ng condo, hindi ko alam dun pala si... same condo si Vice. Dun lang kami nagkakilala.”

Kahit raw noong nasa ABS-CBN pa si Carl ay hindi pa niya kakilala si Vice.

Kuwento pa niya, “Hindi ko pa siya nakakatrabaho, hindi ko pa siya nakikita sa ABS. Kasi nung time na yun, GMA na ako, e.”

Sumali at nanalo si Carl sa model search ng ABS-CBN noon na Be Bench.

“Yung Be Bench, 2008. Wala pa yata si Vice Ganda nun.

“Kasi 2008 ako nag-start ng Be Bench pero wala pa siya,” patuloy niya.

Bakit sila nali-link?

Aniya, “Hindi ko nga alam.”

As in never daw silang naging close.

“Sa condo, nakakabatian ko siya.

“Una, hindi ko pa siya binabati, 'tapos parang, sabi ni Perry, ‘Batiin mo kasi, ano 'yan, showbiz din 'yan,’ ganyan-ganyan.

“‘Baka sabihin niyan, masabihan ka niyan na suplado,’ ganyan-ganyan.

“Binati ko naman siya. Kasi siyempre naiilang ako, nakakasabay ko sila sa elevator.

“Ang dami nila, mga make-up artist nila, 'di ba, 'tapos ako lang mag-isa.

“So siyempre ako naman, nahihiya naman akong bumati sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And besides, Vice Ganda siya so mamaya hindi naman niya ako kilala, 'di ba?” lahad pa niya.

Kilala naman siya tiyak ni Vice.

Sabi niya, “Kilala niya ako pero, GMA din ako, 'di ba? ABS siya.”

Ni text daw ay walang namagitan sa kanila.

“Ah wala! Hindi ko alam ang number ni Vice,” diin niya.

Wala rin daw siyang number kay Vice.

Narinig na rin daw ni Carl ang tungkol sa isyu nagli-link sa kanila.

“Kahit si Perry tinanong din sa akin before,” banggit din niya.

Kailan niya huling nakita si Vice?

“'Tagal na. Sa condo pa.

“Kasi una akong umalis diyan sa condo na 'yan, umuwi ako ng Pasay, sa amin. May isang taon din ako sa Pasay 'tapos kumuha lang ulit ako ng ibang condo,” lahad niya.

WISHES TO WORK WITH VICE. May pahabol na sinabi pa si Carl tungkol kay Vice.

“Sana nga isama niya ako sa mga movies niya, e,” at tumawa ang hunk actor.

Halimbawang isali nga siya sa pelikula ni Vice Ganda at nagustuhan siya nito?

“Siguro as kaibigan okay sa akin. Kaibigan naman, mukhang mabait naman si Vice, e,” sambit niya.

Kung magustuhan siya ni Vice more than a friend?

“Sasabihin ko, 'Kaibigan puwede,' 'di ba?

“Tsaka hindi naman ako ano sa mga, sa mga ganung sitwasyon.

“Kaibigan puwede, wala namang masama,” pahabol pa ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN