Carl Guevara happy doing non-stop projects at TV5; not bothered by non-renewal of GMA-7 contract

Carl Guevara admits he’s not bothered by the non-renewal of his contract with GMA-7. He says, “As of now kasi, hindi ko naman kinukulit si Perry sa contract kasi...manager ko siya, nasa kanya yung trust ko. Besides that, masaya naman ako sa trabaho na binibigay sa akin ng TV5.”


Mukhang paborito ng TV5 si Carl Guevarra dahil pang-apat na niya ang Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) na pinagbibidahan ni Toni Aquino (as Lala Lazaro), ang anak ng komedyanteng si Ruby Rodriguez.

Aaminin kaya niyang tila nagiging paborito na siya ng Kapatid network?

“Actually, ako, hindi ko alam pero masaya ako dahil sunud-sunod yung Wattpad Presents ko and sana magkaroon pa.

“Sana madagdagan pa yung apat na Wattpad ko,” asam niya.

Biniro namin si Carl na baka mas mahal na niya ang TV5 kaysa sa GMA. Bago kasi mapunta sa Kapatid Network ay Kapuso artist si Carl.

Tugon niya, “Hindi ko masasabing mahal, pero ngayon masaya ako sa trabaho ko sa TV5.

“At least sunud-sunod siya, na-regular ako sa Tropa Mo 'Ko, 'tapos ngayon may Wattpad na pasundut-sundot yung taping.

“So iyon, masaya. Masaya ako sa TV5.”

RENEWING GMA CONTRACT? Hindi naman daw siya napabayaan ng GMA.

“Ay hindi, hindi naman. Siguro ano lang, nung time kasi sa GMA, paglipat ko sa GMA may contract ako sa kanila, e.

“Three-year contract.

“Natapos, 'tapos hindi ako nag-renew. 'Tapos sinabi sa akin ni Perry [Lansigan, his manager], siguro mga isang buwan ako napahinga sa GMA, and then tinawagan ako ni Perry.

“Sabi sa akin ni Perry, ‘O may show sa TV5,’ ganyan-ganyan.

“Kasama nga yung show dati na Pretty Little Liars, tapos yung Trenderas, iyan. Sabi ko, ‘Ah talaga, TV5 na ako?’

“Sabi ni Perry, ‘Hindi! Kumbaga habang inaayos natin yung sa GMA, TV5 ka muna.’”

Dalawang taon na si Carl sa TV5.

Hindi raw niya alam kay Perry kung may offer na bagong kontrata ang GMA sa kanya.

Pahayag niya, “As of now kasi, hindi ko naman kinukulit si Perry sa contract kasi...manager ko siya, nasa kanya yung trust ko.

“Besides that, masaya naman ako sa trabaho na binibigay sa akin ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So iyon, happy ako, hindi ko siya pine-pressure na, ‘O, wala ba tayong contract?’ ganyan-ganyan.”

Kung halimbawang sabihin ni Perry sa kanya na ikokontrata na si Carl sa TV5?

“Sa akin, kung ano'ng desisyon ni Perry, okay lang sa akin.

“Okay naman sa akin 'tsaka alam ko naman lahat ng desisyon ni Perry para sa akin at hindi naman ako papabayaan ni Perry.”

WORKING WITH TONI AQUINO. Sa Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) ay unang beses na makakatrabaho ni Carl si Toni.

Pinakaunang TV series rin ito ng anak ni Ruby.

“First time ko siyang na-meet nung storycon namin.

“Siyempre nung una, kinakapa ko siya, ako tahimik lang talaga ako sa set, e.

“Nagbabasa lang ako ng script, kahit pumasok sa standby area, sa tent, hindi ako ganun, e. Nasa kotse lang ako minsan, nagbabasa ng script.

“And then iyon, sabi niya sa akin, kaeksena ko siya nung first, 'tapos ang kaeksena namin si Ate Ruby, so kaming tatlo, so yung tension, kinakabahan ako,” at natawa si Carl.

Patuloy pa niyang kuwento, “Kasi yung first na eksena namin, parang iki-kiss ko siya, e.

“Magyayakap kami tapos iki-kiss ko siya pero hindi matutuloy.

“'Tapos andun si Ate Ruby, kaeksena namin so kinakabahan ako.

“And then after nun, ano na, masaya. Kasi si Ate Ruby puro patawa, jokes and then kung ano yung hingin sa script, pumapayag siya.

“Wala siyang limitation, wala siyang kahit ano, kung may kissing scene, okay lang basta nasa script.

“'Tapos minsan nagpapatawa pa siya sa eksena namin.

“'Tapos si Toni naman, ano siya, alam mo yung mahal niya yung ginagawa niya, gusto niya talagang umarte, maging artista, gusto niya talaga.

“Kasi makikita, kahit puyatan, yung paumaga na, yung energy niya, nandiyan pa rin, magalaw siya.

“Madali siyang pakisamahan.

“Magaling siya, magaling, nag-theater naman daw siya before, so magaling siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nahirapang mag-adjust para sa kanya and pakisamahan siya.

“At alam niya yung ginagawa niya.

“Siguro tinuturuan din ni Ate Ruby pero alam mo, yung ang bilis niyang pumik-ap. So, masaya akong katrabaho si Ms. Ruby 'tsaka si Toni.”

Gaganap sa show si Ruby bilang diwata na si Diyosa Thick-Thick na nagbigay ng sumpa kay Lala.

Sa direksyon ni Elaine Lozano, mapapanood ito sa TV5 simula sa Lunes, April 27, hanggang Biyernes, May 1, tuwing 9 p.m.

TOPLESS SCENES. Sa apat na Wattpad Presents ni Carl ay palagi siyang may eksenang nakahubad.

“Pero ito yung pinababad na nakahubad ako,” at natawa si Carl.

Dito raw sa Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) ay may eksena si Carl na nakahubad habang nagsisibak ng kahoy.

“'Tapos tumakbo ako sa CR ng campus ng naka-towel lang, 'tapos nagpaligo ako ng biik, iyon, 'tapos nagbangka kami,” banggit ni Carl sa mga topless scenes niya.

COSMO BASH APPEARANCE. Nakarampa na sa Cosmo Bash si Carl ng isang beses at gusto niyang umulit.

“Sana! Gusto kong mag-Cosmo, hopefully.”

Maraming Cosmo Bash na ang ginanap. Bakit isang beses pa lang si Carl nakasali sa ganda ng katawan niya?

Paliwanag niya, “Gusto kasi ni Perry parang one time, big time.

“Ayaw niya yung every time na, kahit prepared naman yung katawan mo, yung ilalagay ka lang nang ilalagay basta. Kasi siyempre gusto niya yung perfect timing.”

Ano ang pasabog na gagawin niya next time?

Saad niya, “Before kasi ang ginawa ko sa Cosmo nagpakita ako ng konting puwet.

“Binaba ko [ang jeans]. Kasi pangalawa ako sa last na lumabas, so halos nagawa na lahat, nagsira ng damit, ganyan.

“E, at the same time nakapantalon kami doon. E, sa Bench naman naka-underwear ako 'pag ruma-ramp.

“So ang ginawa ko, nag-isip ako, parang nung nandun na sa stage, naisip ko lang na ano kaya ang gagawin ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nape-pressure ako, nag-isip ako, ‘Ah pakita ko na lang puwet ko!’

“Kasi nandun ka na e, moment na yun, e. Kumbaga, ano ang tatatak 'pag nandun ka, kailangang magmarka ka, e.”

Sa susunod na pagrampa raw niya ay pag-iisipan niyang mabuti kung ano naman ang pasabog na gagawin niya sa stage.

“Yung talagang tatatak din,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN