Comedian Kim Idol to raise funds for his P700,000 brain surgery

Positibo pa rin daw ang pananaw ni Kim Idol sa buhay matapos nitong matuklasan na mayroon siyang seryosong karamdaman sa utak na tinatawag na AVM (arteriovenous malformation). Kahit na pinagpapahinga siya ng doctor, tuloy pa rin daw ito sa pagtatrabaho. Aniya, "Mas gugustuhin kong mag-perform at least makakalimutan ko yung sakit ko.”


May iniindang karamdaman ngayon ang stand-up comedian na si Kim Idol.

Nitong January 2015, natuklasan ng mga doctor na sumusuri sa 36-year-old comedian na may namumuong dugo sa kanyang utak.

Sa ulat ng Startalk ng GMA kahapon, April 25, napag-alamang kailangang sumailalim sa operasyon si Kim.

Kuwento pa niya, “Masakit na masakit ang ulo ko tapos nabubundol ako sa mga wall. Parang nawala po yung right peripheral [vision] ko tapos hindi din ako makabasa.

“So, Friday (January 28), tinakbo ako ng mga kaibigan ko sa UERM (Memorial Medical Center), tapos dun na nakita sa CT Scan na nagdudugo yung utak ko.”

Sa ginawang pagsusuri ng mga doctor sa komedyante, natuklasang may Brain AVM (arteriovenous malformation) si Kim. Ito daw ay ang abnormal na pagdaloy ng dugo sa blood vessels sa utak.

Dahil dito, kailangang maoperahan si Kim sa ulo kung saan nangangailangan daw ito ng napakalaking halaga para maisagawa.

Saad niya, “Pagkamahal-mahal. P700,000 po, ‘di ba, parang ang sakit…Hindi ko po yun kaya pero siguro po ito nga pong darating na June, yung aking manager, nagbabalak na gumawa ng benefit show para magkapondo dito sa kakailanganing panggamot.”

Dahil sa pangyayaring ito, nagbalik-loob na daw si Kim sa Panginoon. Humingi na raw siya ng patawad sa lahat ng kanyang mga nagawang kasalanan.

Kahit na may pinagdadaanan, positibo pa rin daw ang pananaw ni Kim sa buhay.

Kuwento pa niya, “I’m taking things positively. Imbes na mawalan ako ng pag-asa, magmukmok, magreklamo, kasi talaga ang bilin sa akin ng doctor, huwag daw ako magtrabaho, magpahinga lang ako.

“Pero sabi ko sa friends ko, ‘I’d rather die on stage, than die in bed. Kaya yun, mas gugustuhin kong mag-perform at least makakalimutan ko yung sakit ko.”

Mas nakilala si Kim sa telebisyon nang makasama ito sa Eat Bulaga! kung saan tatak niya ang pag-impersonate ng mga dinosaurs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN