Ai-Ai delas Alas impressed by Ruru Madrid’s acting talent: “May hugot, e.”

Ai-Ai delas Alas on Let The Love Begin lead star Ruru Madrid: “Oy, in fairness, magaling ang bata. Parang maraming pinaghuhugutan. Bata pa ’yan, ha? Seventeen pa lang ’yan, hintayin mong tumanda pa ’yan.”


Sa tamang panahon, handa rin daw sumabak sa pagiging direktor ang Concert Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Inamin niya ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa harap ng ilang miyembro ng entertainment press nang makapanayam siya sa presscon ng Let The Love Begin, na ginanap sa Studio 6 sa GMA Annex Building noong April 23.

Bungad ni Ai-Ai, “Siguro, indie [film] lang.

“Pero yung mainstream, hindi ko kaya.

“Usapan na namin ni Uge [Eugene Domingo] 'yan, noon pa.

“Mag-aaral siya. Ako, producer; siya, direktor.

“Ngayon, iibahin namin. Siya, producer; ako, direktor.

“'Tapos kami pa ang bida, 'O, 'di kami na lahat,'” pagbibiro pa niya.

Puwede na nga raw itong mangyari dahil nasa Siyete na rin siya katulad ng kanyang kaibigan.

Aniya, “Oo, kasi. 'di ba si Brad Pitt, magkaibigan sila ni George Clooney.

“So, nagpu-produce sila, sila na rin ang mga direktor, sila rin ang mga artista.

“Kayo na lahat. Ang cute nga, e.”

IMPRESSED WITH RURU. Pagkatapos nito ay napag-usapan namin ang isa sa bidang lalaki ng teleseryeng unang pinagbibidahan niya sa Kapuso network.

Ito ay walang iba kundi si Ruru Madrid na first time din na magbida sa isang primetime teleserye sa nasabing istasyon.

Pagmamalaki ng actress-comedienne, “Oy, in fairness, magaling ang bata.

“Parang maraming pinaghuhugutan.

“Bata pa 'yan, ha? Seventeen pa lang 'yan, hintayin mong tumanda pa 'yan.

“May hugot, e. And I think, Maryo J. [de los Reyes] 'yan, e.

“Ang ano [manager] niya ay si Maryo J., so mabigat-bigat ang training niya, 'day.

“Lagot 'pag syonga-syonga [tatanga-tanga], lagot !”

HAPPY FOR SON SANCHO. Ito rin ang unang project ng kanyang anak na si Sancho delas Alas na pumirma na rin sa Siyete noong Disyembre nung nakaraang taon.

Nakangiting bulalas nga niya, “Oo, si Sancho!

“Naku, tuwang-tuwa talaga ako sa anak ko. I'm happy for Sancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa kaming eksena, mga bandang huli.

“More of Gladys Reyes ang kaeksena niya, e.”

Hindi raw niya alam na magkasama silang dalawa sa Let The Love Begin na eere na sa May 4.

Aniya, “Hindi, ang alam ko, dun siya sa Half Sisters.

“'Tapos, nakita ko, tinext ako ng handler niya, sabi, 'Miss Ai, papasok na po si Sancho sa Let The Love Begin.'

“Sabi ko, 'Wow! Package deal! Oo, bakit naman hindi?”

MOTHERLY ADVICE. Kaya nga raw, todo payo siya sa kanyang anak.

Saad pa ng komedyana, “Talagang sinasabi ko kay Sancho na gusto kong matutunan niya yung from scratch.

“'Doon ka magsimula.'

“'Kung hangga't maaari sa sahig ka matulog, kasama yung mga support.

“'Kung puwede, simulan mo sa ganyan, kasi dun ako nanggaling, para alam mo kung gaano kahirap ang maging isang artista.

“'Kala mo, madali? Mahirap!'"

Nagsimula na nga raw itong mag-taping para sa nasabing teleserye.

Aniya, “Oo, alas singko [ng umaga], natapos ang...

“Sabi ko, 'O, ano? Heto, isang eksena pa lang ito, ha?

“'Hintayin mo yung marami.'”

Sa puntong ito, may naisingit na tanong sa kanya.

RELINQUISHING HER TITLE? Ito ay kung ipinauubaya na ba niya ang titulong “Comedy Queen” kay Pokwang sa kabilang istasyon.

Tugon naman niya, “Okey lang kung ano ang i-title nila.

“Kasi nga, 'di ba, ang title naman, isa lang ang may nagmamay-ari?

“Like ang Megastar, wala namang megastar 1, 2, o 3.

“Wala naman Star for All Seasons part two, part three or part four.

“Ayoko namang sabihin na...baka sabihin niyo, mayabang ako.

“Modesty aside, siguro naman sa tagal ko na rin naman sa industriya, twenty-five years...

“Siguro naman, salamat naman dun sa titulo. Bigay naman sa akin yun ng taong-bayan, 'di ko naman inimbento yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN