Phytos Ramirez asserts he never courted Empress Schuck

Phytos Ramirez on once being linked with Empress Schuck: “Lagi po kaming magkasama, ’pag nagwu-workout, ganyan. ’Tapos dati din po sinabihan ako ni Tita Becky [Aguila, ang kanyang manager], ’Uy, mga kapatid mo yan, ha? Yung sa akin, kapatid mo lahat ’yan, wala kang liligawan.’ Ganun, na walang tataluhin.”


Ang Hiram Na Alaala ang pinakahuling seryeng ginawa ni Phytos Ramirez bago siya napasama sa upcoming GMA TV series na Let the Love Begin.

Gaano siya katagal napahinga?

Ayon kay Phytos, “Yung as one of the leads po, one year po.

“Kasi yung Paraiso Ko’y Ikaw, yun yung huli pang lead, e.

“Pero madami naman po silang binigay sa akin na guestings 'tapos ang nakakatuwa po, pinayagan po nila ako na mag-TV5.

“So, nakadalawang episodes po ako sa TV5, Wattpad Presents po.

“Dapat meron pa pong isa, yung Lala Laitera po yata, I’m not sure kung ano, e.

“Kaso tinawagan na po ako para dito sa Let The Love Begin, e.”

Nagkaroon ba ng option na umalis siya sa GMA at lumipat na nang tuluyan sa TV5?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po, hindi po.

“Ang ano ko naman po, para sa akin, habang wala pong project, tuluy-tuloy lang yung workout para mag-change ng image...

“Na medyo mature na, new Phytos na, na sexy, ready sa topless, mga ganun po.”

So may mga eksena siyang nakahubad sa Let the Love Begin?

Aniya, “I’m not yet sure, wala pa po silang sinasabi sa akin.”

At kahit saang project ay hindi pa raw siya naghubad.



TEN-YEAR GMA CONTRACT. Hindi siya exclusive contract artist ng GMA.

Ang manager ni Phytos ay si Becky Aguila at co-managed siya ng GMA Artist Center (GMAAC).

Sampung taon daw ang kontrata ni Phytos sa GMAAC.

“So hanggang mag-twenty-eight years old po ako,” dagdag pa niya.

Nineteen ngayon si Phytos.

NO PAST RELATIONSHIP WITH EMPRESS. Samantala, dati ay na-link sina Phytos at Empress Schuck; at ngayon ay buntis na si Empress sa non-showbiz boyfriend nito.

Naging magkarelasyon ba sila ni Empress noon?

“Ah, hindi po!” sabi niya.

Natsismis lang raw sila dahil alaga rin ni Ms. Aguila si Empress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Lagi po kaming magkasama, 'pag nagwu-workout, ganyan.

“'Tapos dati din po sinabihan ako ni Tita Becky, ‘Uy, mga kapatid mo yan, ha? Yung sa akin, kapatid mo lahat 'yan, wala kang liligawan.’

“Ganun, na walang tataluhin.”

Kung hindi ba siya sinabihan ay “tataluhin” niya ang mga female talents ni Tita Becky?

“Hindi, hindi naman po!

“Kasi ano po e, parang sayang yung friendship na nabubuo sa amin kasi isang crew kami e, morning crew [sa gym].

“So siyempre 'pag may tinalo ako dun, paano pag nagkahiwalay kami? Pangit, magkaka-ilangan,” saad pa niya.

HAPPY FOR EMPRESS'S PREGNANCY. Nang nalaman niya na nagdadalang-tao si Empress, ano ang reaksyon niya?

Lahad niya, “Nagulat po ako nung ano, parang sa Startalk, kasi hindi naman po nasabi sa akin.

“Napanood ko lang po sa TV 'tapos kinonfirm ko muna kay Tita Becky, baka mamaya blind item lang, tsismis.

“'Tapos tsinek ko po yung Instagram niya and then nag-Viber po si Em, 'tapos sabi ko sa kanya, ‘Uy congrats!’

“'Tapos sabi niya, 'Thank you.'”

Ikinalungkot ba niya ito?

“Ah, hindi naman po! Masaya po ako para sa kanya kasi siyempre blessing yun, baby yun, e.

“So sana lang, wini-wish ko na parang si Ate Jen [Jennylyn Mercado] siya, makabalik siya after niyang manganak kasi ang hirap bumalik, 'di ba?” pahayag pa niya.

Talent rin ni Tita Becky si Jennylyn Mercado.

NO REGRETS. Crush ni Phytos si Empress. Wala ba siyang panghihinayang na hindi sila ni Empress ang nagkatuluyan?

Paliwanag niya, “Hindi pa naman kasi ako ready sa relationship.

“Nagsisimula pa lang ako. Pagka nagka-girlfriend siguro ako, mawawala yung focus ko sa showbiz, e.

“So as much as possible, labas-labas lang.”

NON-SHOWBIZ GF. Nagkaroon na si Phytos ng non-showbiz girlfriend.

Muli niyang kuwento, “Nung nasa ABS po ako nun, 2012 po, 'tapos nawala po ako sa focus, nag-stop ako, nagpataba ako, labas lang kami nang labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then na-realize ko na nawawala na ako sa focus, na ang dami kong chance na nawala.

“So ayun, nakipaghiwalay po ako.”

At ngayon nga raw ay tuluyan nang bumalik ang focus niya sa kanyang showbiz career.

Sa Let The Love Begin ay gaganap si Phytos bilang si Uno.

Lead stars naman dito sina Gabbi Garcia (bilang si Pia) at Ruru Madrid (bilang si Erick).

Kasama rin sa main cast sina Ms. Ai-Ai delas Alas bilang si Jeni, Donita Rose bilang Celeste, at Gardo Versoza bilang si Tony.

Mapapanood na ito simula May 4 sa GMA-7. Kasama rin sa show sina Ms. Gina Pareño bilang si Lola Tacing, Gladys Reyes bilang si DJ Katy Fairy, Neil Ryan Sese bilang Simply Jay Zee, Noel Trinidad bilang si Manong Milton, at si Mark Anthony Fernandez bilang si Jom.

Kabilang din sa serye ang mga batang Kapuso stars na sina Abel Estanislao bilang si Makoy, Nomer Limatog bilang si Jules, AR Angel Aviles bilang si Elsa, at si Rita Daniela bilang si Luchie.

Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN