Toni Aquino doesn’t mind being known as Ruby Rodriguez’s daughter

Eventually, Toni Aquino wants step out from the shadow of her mom, Ruby Rodriguez. She jokes, “Enjoy-in ko po muna for a while. Pero ’pag hindi na masyado, ’Okay Mama, ako muna.’”


Alaga ni Noel Ferrer—na manager din nina Ryan Agoncillo at Iza Calzado—ang baguhang aktres na si Toni Aquino.

Si Toni ay anak ng komedyana at Eat Bulaga! host na si Ruby Rodriguez.

Pinakaunang TV/acting project ni Toni ang Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty) ng TV5.

Paano siya nakapasok sa showbiz? Bukod nga sa pagiging anak ni Ruby, paano siya nakilala ni Noel?

“Through my mom din po. Sabi po ng mom ko, kasi I was with G-Force [dance group] po originally, I was a backup dancer po.

“Pinapasali po ako sa Move It, kaso po it got in the way of graduation.”

Ang Move It ay ang Ultimate Streetdance Competition ng TV5.

Graduate sa Quezon City Science High School si Toni na ngayon ay mag-17 taong gulang.

Sa UP Manila siya magkokolehiyo at kukuha ng kursong B.A. Social Sciences.

ARIANA LOOKALIKE? Sa ilang mga larawan ni Toni ay ikinukumpara siya sa sikat na singer na si Ariana Grande.

“I feel flattered, extremely flattered!

“Kasi I really like her po 'tapos hindi naman sinasadya na 'pag nag-ponytail po ako, 'tapos nag-ayos ako, lahat sila, ‘You look like Ariana!’”

Pero dahil dancer nga si Toni, hindi raw siya kumakanta tulad ni Ariana.

“I want to learn how to sing. It’s one of my dreams po,” lahad niya.

May effort ba siyang ginagawa para makaalis sa “anino” ng mommy niya?

Aniya, “Yes, po.”

Pero sa ngayon daw ay mas ine-enjoy niya na makilala muna bilang anak ni Ruby.

“Enjoy-in ko po muna for a while, gamitin ko po muna si Mama,” at tumawa si Toni.

“Pero 'pag hindi na masyado, ‘Okay Mama, ako muna.’”

IDOLIZES ANGELICA. Desidido siya na seryosohin ang showbiz.

“Hopefully po, I really want to,” sambit pa niya.

Nais ni Toni na gawing peg ng kanyang pagiging artista si Angelica Panganiban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I love her!” bulalas ni Toni.

Comedy na sexy ang gusto niyang pasukin na genre.

“Comedy na sexy na may spunk po siya,” pakli pa niya.

Handa raw siyang magpaseksi.

“Opo! Willing na willing,” at muling tumawa si Toni.

Pero hindi pa raw niya kaya na mag-pose para FHM.

“Hindi po muna, seventeen, minor pa,” at muli itong tumawa.

Kapag 18 na, papayag na siya?

“We’ll see po! Kung kasingganda po ng katawan ni Carl [Guevara],” pagbibiro pa ni Toni.

DISTRACTED BY CARL'S ABS. Leading man ni Toni, bilang si Lala Lazaro, si Carl Guevara bilang, si Sic Santos, sa Wattpad Presents: Lala Laitera (Ang Laiterang Hindi Naman Pretty).

Hanggang anong pagpapaseksi ba ang kaya ngayon ni Toni?

“Siguro yung abs po muna, 'pag flat na. Nagtatago po ngayon!” biro pa niya.

Hindi pa nagkaroon ng kasintahan si Toni.

Iyon daw ay desisyon niya at hindi dahil mahigpit si Ruby.

Loveless silang pareho ni Carl. Puwede kayang maging sila?

Ani Toni, “Depende naman po. Okay naman po, pogi naman po!

“Inspiration ko po sa abs si Carl!”

Nag-enjoy raw siyang katrabaho si Carl.

“Masarap po siyang kasama. Maganda po yung vibes 'pag kasama ko siya.”

Tawa nang tawa si Toni nang inamin niya na sa simula ay na-distract siya sa mga eksenang hubad si Carl.

Kuwento niya, “Kasi akala ko sa picture ko lang makikita yung mga ganun na abs, 'tapos biglang… 'Okay, kalma ka lang,' totoo pala!

“Eventually, nasanay naman po ako.”

Kasama rin sa show si Ruby bilang diwata na si Diyosa Thick-Thick na nagbigay ng sumpa kay Lala.

Sa direksyon ni Elaine Lozano, mapapanood ito sa TV5 simula Lunes, April 27 hanggang Biyernes, May 1, 9:00 p.m.

PROTECTIVE OF MOM. Umamin din si Toni na nasasaktan siya kapag nilalait ang katabaan ng mommy niya.

Saad niya, “Minsan po, yung pagkasabi ng tao...kunyari sinabi, 'Uy, Ruby ang chubby mo naman.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang yun. 'Healthy ka, you look healthy!'

“Pero kapag, 'Ang taba-taba mo!'

“Magpapanting po talaga yung tenga mo.”

May nagsabi na raw ng ganun.

“Gusto kong resbakan, kaso inawat ako ng mga friends ko,” lahad niya.

Wala raw pagkakataon na pumatol siya.

“Pero kung may chance po, gagawin ko po talaga,” diin niya.

BULLYING VICTIM. Si Toni mismo ay nakaranas na rin ng pambu-bully dati sa grade school, kung saan habang nasa loob ng toilet ay binuhusan siya ng pinturang kulay asul ng isang schoolmate niya.

Traumatic daw iyon para sa kanya, ang maluha-luhang kuwento sa amin ni Toni.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nasa cubicle po ako ng comfort room, nakaupo lang po ako, siyempre call of nature.

“'Tapos yung biglang alam n'yo yung typical na akala ko sa movies lang makikita, yung biglang bubuhusan ka ng paint! Blue paint!

“'Tapos umiyak po talaga ako 'tapos paglabas ko ng banyo, siyempre pinagtawanan ako.

“'Tapos may nakasalubong akong teacher, ano daw nangyari sa akin, so ikinuwento ko po sa kanya, 'tapos sabi ko gusto ko nang umuwi, so they sent me home to calm down.”

Sinabi raw niya ang insidente sa mommy niya.

“'Tapos sabi niya, hayaan ko na lang daw. ‘Inggit lang yung mga yun and I’m sorry you had to go through it.’”

Pinagsabihan daw ng principal ang naturang bully.

Hindi naman daw naulit ang insidenteng iyon.

“Pero lagi niya po akong, 'pag lumalakad po ako, yung pagtatawanan niya ako for no reason.”

Hindi na raw alam ni Toni kung nasaan na ngayon ang naturang bully.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN