JM de Guzman, Jessy Mendiola rekindle their relationship

Vice Ganda asked Jessy Mendiola if she still loves JM de Guzman when he saw him again. Jessy replied, “Akala ko hindi na. Pero noong nakita ko siya ulit, parang bumalik lahat.”


Inamin nina JM de Guzman at Jessy Mendiola na nagkabalikan na sila.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice ngayong gabi, April 26, sinabi ng dalawang Kapamilya stars na noong April 1 sila opisyal na nagkabalikan.

Matatandaang noong araw na iyon ay mabilis na kumalat sa social media ang larawan ng dalawa na sweet sa isa't isa.

Read: JM de Guzman and Jessy Mendiola back in each other's arms?

Ayon sa magkasintahan, dalawang taon ang itinagal ng relasyon nila noon at dalawang taon din silang nahiwalay sa isa't isa.

Nagsimula raw manumbalik ang nararamdaman nila para sa isa't isa nang magkita silang muli noong August 2014 habang nagdya-jogging sa U.P. Diliman.

Kinabahan daw si JM nang makita niya ang kotse ni Jessy sa campus kaya nagtago siya.

Paliwanag ng aktor, “Hindi ko kasi alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.”

Sa parte naman ni Jessy, agad daw siyang napatakbo sa kotse nang bumati sa kanya si JM.

Sabi ng Kapamilya actress kay Vice Ganda,“Kasi, nagulat ako.

“Totoo pala 'yon, Vice, kapag nakita mo ulit yung taong nasa puso mo, akala mo sa movie lang mangyayari, pero parang nag-i-slowmo ang lahat ng nasa paligid. Totoo siya.

“Tapos sa kanya lang naka-focus lahat ng attention mo, lahat blurry, lahat slowmo.

“'Tapos 'yon na, noong kinausap niya ako, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya ako napatakbo sa kotse ko.”


STARTING OVER AGAIN. Tanong ni Vice kay Jessy, “Mahal mo pa siya noon o minahal mo na lang ulit?”

Sagot ni Jessy, “Akala ko hindi na. Pero noong nakita ko siya ulit, parang bumalik lahat.”

Hirit naman ni JM, “E di wow!”

Noong panahong iyon ay hindi raw nila alam ang contact number ng isa't isa; si Jessy ay nagpalit ng numero habang si JM naman ay tinanggal ang lahat ng contacts niya noong panahong may pinagdadaanan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw agad ibinigay ni Jessy ang contact number niya kay JM.

Katuwiran ng aktres, “Siyempre, tinatantiya ko pa kung talagang sure ako sa feelings ko.”

Ayon sa magkasintahan, umabot ng halos anim na buwan bago naging opisyal muli ang relasyon nila.

Read: #PEPspotted: JM de Guzman and Jessy Mendiola go on a movie date

Inamin naman ni JM na may niligawan siyang taga-showbiz noong panahong wala na sila ni Jessy.

Tinanong din ni Vice si Jessy kung sa pagkakataong ito ay makikipaghiwalay siya muli kay JM kung mangyari ulit ang dahilan ng breakup nila noon.

Sagot niya, "Hindi, dahil alam kong hindi na niya gagawin ulit iyon."

Matatandaang huminto sa pag-aartista noon si JM dahil sa pagkalulong niya sa ipinagbabawal na gamot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN