Dingdong Dantes to run for Senate under Liberal Party in 2016?

Inihayag ni Caloocan City Representative Edgar Erice na kabilang sina Dingdong Dantes, Quezon City Mayor Herbert Bautista, at Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mga napipisil na magpuno ng senatoriables ng Liberal Party para sa May 2016 elections.


Kabilang ang aktor na si Dingdong Dantes, 34, sa mga napipisil ng Liberal Party na kumandidato bilang senador sa ilalim ng naturang partido sa May 2016 elections.

Ilan pa sa showbiz personalities na napipisil na mapabilang sa list of senatoriables ng LP ay sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Base ito sa pahayag ni LP vice chairman for polical affairs/Caloocan City Representative Edgar Erice, sa pamamagitan ng text message, sa GMA News Online, kagabi, April 26.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng reaksiyon si Dingdong sa pamamagitan ng text message, ngunit at press time ay hindi pa sumasagot ang Kapuso actor.

Noong nakaraang taon nagsimula ang espekulasyon tungkol sa diumano’y plano ni Dingdong na sumabak sa pulitika.

Minsan na ring napabilang si Dingdong sa listahan ng Senatoriable Preferences ng Pulse Asia Survey noong September 2014.

Nasa 28-30 ang ranking ni Dingdong, na nakakuha ng 11.1 percent boto mula sa 1,200 respondents sa naturang survey.

Ngunit nang tanungin siya ng PEP tungkol dito, iginiit ng Kapuso aktor na mas mahalaga sa kanya “yung pamilyang bubuuin ko, yung trabaho ko sa National Youth Commission at sa GMA [Network].”

Read: Dingdong Dantes on running for the Senate in 2016: "It's not part of my plans right now."

Bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, dinaluhan ni Dingdong ang ASEAN Summit sa Malaysia noong April 20, upang makibahagi sa pag-uusap ng youth delagates tungkol sa youth development plans ng kani-kanilang bansa.

Dumalo rin sa naturang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Summit si Presidente “Noynoy” Benigno Aquino III, na siyang witness of honor sa kasal ng aktor at ni Marian Rivera noong December 30, 2014.

Sa kasalukuyan ay abala si Dingdong sa pinagbibidahan nitong teleserye sa GMA, ang Pari 'Koy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN