Grace Lee on her mystery guy: “I thank God for you.”

Base sa Instagram post ng TV5 anchor na si Grace Lee, masaya ang estado ng kanyang lovelife ngayon.


Hindi man ipinakita ni Grace Lee ang larawan ng kanyang mystery guy sa Instagram, halatang masaya ang TV5 anchor sa kanyang lovelife ngayon.

Ngayong Lunes, April 27, nag-post si Grace sa Instagram ng kanyang larawan na nakangiti habang nakasandal sa balikat ng isang lalaking moreno, pero naka-crop ang mukha nito.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang businessman ang special someone ngayon ni Grace.

Ang caption niya sa nasabing post: “I thank God for you.”

I thank God for you

A photo posted by Eating, Loving And Praying (@graceleemanila) onApr 26, 2015 at 3:30pm PDT

Sa comments section ng nasabing post, nagkomento ang kanyang kapwa TV5 personalities dahil sa tila masayang estado ng buhay pag-ibig ni Grace; kagaya ni Mariel Rodriguez, ang reporter na si Oscar Oida, at ang modelong si Mikaela Lagdameo-Martinez.

Nito namang April 25, Sabado, nag-post si Grace ng larawan ng bouquet of flowers kalakip ang makahulugang caption.

Inilahad dito ni Grace ang paghingi niya ng “specific signs”—sa kasong ito, kulay ng mga bulaklak—para sa espesyal na taong tinutukoy niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN