Pokwang and boyfriend Lee O’Brian share sweet moments in Coron, Palawan

Does Pokwang want to have another baby? She replies, “Kung ako, gusto ko pa. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t gumagana pa ang makina. Kapag kinalawang na ’to, wiz na!”


“Big time Filipino.”

Ganito inilarawan ng American actor na si Lee O'Brian ang girlfriend na si Pokwang sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 28.

Kasalukuyang nasa Coron, Palawan sina Lee at Pokwang, kasama ang malapit na kaibigan ng Kapamilya comedienne na si K Brosas.

Hindi man nagpo-post si Pokwang ng mga larawan niya kasama ang boyfriend, updated naman ang kanyang followers sa sweet moments nila sa pamamagitan ng posts ni K Brosas.

Matatandaang inamin ni Pokwang ang tungkol sa kanila ng American co-star niya sa Edsa Woolworth sa isang episode ng Kris TV noong Pebrero.

Sinabi pa noon ng 42-year-old actress, “Sana ito na nga.

“Sana ito na. Tama na yung parang… Lord, sana ito na po.”

Read: Pokwang confirms relationship with Hollywood actor Lee O’Brien: “Sana ito na.”


ANOTHER BABY? Sa nakaraang press conference ng Nathaniel, tinanong si Pokwang kung posibleng magkaroon siya ng isa pang anak.

Sagot niya, “Bakit hindi, 'di ba? Kaya pa naman ng matres ko, buo pa naman.

“Pinapangarap ko rin naman 'yon hangga't kaya pa. Ang sarap kaya maging nanay.”

Biro pa niya, “Tingnan natin kung sino ang...”

Sa huli, inulit pa ni Pokwang, “Kung ako, gusto ko pa. Sabi ko nga sa inyo, hangga't gumagana pa ang makina.

“Kapag kinalawang na 'to, wiz na.

“Siguro mga apat na taon pa 'to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN