Sharon Cuneta’s battle with weight loss: "It’s working, I’m getting there."

Sharon Cuneta is slated to do a movie under Star Cinema, and hopes to be in the same project with Richard Gomez, now that they are both back as Kapamilya artists.


Si Sharon Cuneta ang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining sa 6th Golden Screen TV Awards, na ginanap kagabi, Linggo, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium, sa RCBC Plaza, Makati City.

Talagang tiniyak ng Megastar na wala siyang nakalimutang pasalamatan kaya napahaba ang kanyang acceptance speech.

“Nakukulangan pa nga ako, e!” natatawang bungad ni Sharon nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Kaya lang, nahihiya ako dahil talagang ang haba na ng oras na kinain ko.

“I doubt na may nakalimutan akong pasalamatan, pero kung saka-sakali, pasensiya na po, tao lang po… hindi ko isinulat!

“Tama yung sinabi ni Ms. Cheche Lazaro, dahil nagkaroon din siya ng lifetime achievement award [Helen Vela Lifetime Achievement Award for News Broadcast], parang ang feeling kapag lifetime achievement award, 'Mamamatay ka na ba?'

“Pero hindi, I realize it’s really a gift from people who followed your career, enjoyed your work, respected your work in a way, appreciated you.

“So, it’s a very, very special award. Probably one of the most special, if not the most special I’ve ever received.”


SECOND HONEYMOON. Nagdiriwang sina Sharon at Secretary Kiko Pangilinan ng kanilang 19th wedding anniversary sa Thailand.

Umuwi lang daw sila sa Pilipinas para um-attend ng Golden Screen TV Awards, pero babalik ulit sila ulit doon.

“Yes! Hindi ko rin alam kung paano kami nakarating doon!” natatawang biro ni Sharon.

“Achievement ‘yon! Iyon ang lifetime achievement award!

“But really, only by the grace of God, achievement ‘yon!

"Hindi madali, e, hindi madali."

Tungkol naman sa kanyang pabalik-balik na biyahe, ani Sharon, “I flew in two days ago, so I would have an extra day to spend with the kids, which was yesterday.

"And then today also, nakasama ko sila.

"Then tomorrow, I’ll fly out with Kiko only."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang honeymooners na naman sila sa bakasyon nila ni Kiko.

“Lahat! Huwag lang yung magdalantao ako. Parang kadirs na ‘yon!” sabay halakhak niya.


BACK TO DIETING. May nai-post si Sharon recently na mayroon nang magagandang plans at mangyayari sa kanyang career.

“Yes, huwag munang… hintayin nating ia-anounce,” sabi niya.

Balik na rin daw siya sa pagda-diet.

“Inumpisahan ko na ulit.

"You know, I had some very serious things to deal with after Mommy [Elaine Cuneta] died.

“Nagulat ako, akala ko tapos na, meron pa pala, yung ikukuwento ko kay Kuya Boy [Abunda].

“So I have to face that and, in the process, parang hindi ako nakakapagtimbang araw-araw.

“I lost focus just for a while, now I’m back on track.

“Napakabilis naman niyan… actually nakapag-start na.

“The usual… my diet again, ganun. And kunyari I’m abroad, I watch what I eat.

“Actually, nowadays, nagtatakaw ako, hindi ako gutumin.

“I think it’s my metabolism… yeah, because I like to act again, ‘di ba?"

Dagdag ni Sharon, “I don’t want to be limited anymore.

"Siguro, at my age, it’s not as easy as it used to be in my twenties and thirties. So, hindi na kasing-bilis ngayon.

"It’s working, I’m getting there."


NEW PROJECTS. Ngayong taon na ba ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema?

Ayon kay Sharon, “I’m praying for it, kasi I can be ready tomorrow, the script may not be.

“Or the script may be ready tomorrow, I may not be.

“Aside from that, may iba pa akong ginagawa.”

Looking forward din daw si Sharon na makasama sa isang project ang former loveteam and ex-boyfriend niyang si Richard Gomez, na balik ulit sa ABS-CBN.

May gagawin nga dapat silang sitcom dati sa TV5, ang Pirated Family pero na-shelved ito.

Isang pelikula rin ang napapabalitang pinaplano ng Star Cinema para sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Sharon, “Hindi ko pa alam sa Star Cinema. I haven’t heard kung ano yung tunay na project.

“Laging sinasabi ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director]… basta meron. Pinaplano na, so excited na ako.

"Hindi niya sasabihin ‘yon hanggang hindi ako naglu-lose ng twenty [pounds]!” muling napahalakhak na sabi pa ni Sharon.

Dagdag niya, “Twenty. Twenty pa at solved na ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN