Princess Punzalan finds fulfillment as a nurse; wishes ex-husband Willie Revillame good luck for his new show

Princess Punzalan has not left showbiz entirely and continues to guest in local TV shows when on vacation in the country. She says, "Maliit pa ako, feeling ko, magiging parang Mary Walter ako na hanggang sa pumuti na yung buhok ko ay mag-aartista pa rin."


Isa si Princess Punzalan sa mga dumalo sa 6th Golden Screen TV awards na ginanap kagabi, Linggo, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

Dumating si Princess para maging bahagi ng pagbibigay ng parangal na ipinangalan sa namayapa niyang inang si Helen Vela—ang Helen Vela Lifetime Achievement Award.

Iginawad ang award kina Roderick Paulate for Comedy, Ronaldo Valdez for Drama, at Cheche Lazaro for News Broadcast.

“Mabuting-mabuti po naman ako,” nangiting bungad ni Princess nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Dagdag niya, “Registered nurse na ako sa Amerika, nagtatrabaho ako sa isang ospital doon.

“Nagbakasyon lang kami ng asawa ko rito para ipakilala sa mga kamag-anak ko yung anak ko.

“Magwa-one year na siya. Her name is Helie, parang Helen Vela.”

Hindi ba niya nami-miss ang showbiz?

Sagot ng mahusay na aktres, “Nami-miss din naman, bata pa ako, e, yun na talaga ang ginagawa ko.

“Kung iyon ang nakasanayan mong gawin at iyon talaga ang gusto kong gawin, hahanap-hanapin mo talaga.

“E, noong maliit pa ako, feeling ko… sabi ko, siguro magiging parang Mary Walter ako na hanggang sa pumuti na yung buhok ko ay mag-aartista pa rin.”

So, may plano pa rin siyang bumalik sa showbiz?

Tugon ni Princess, “Hindi ko naman talaga siya iniiwanan.

"Every time na bumabalik ako ng Pilipinas, naggi-guesting ako."


FULFILLED. Halata naman sa aura ni Princess na masaya at kuntento siya sa kanyang personal life ngayon.

“Naman! Talagang-talaga,” nangiting pagsang-ayon niya.

Bukod sa pag-aartista, ang pagiging nurse ba talaga ang isa rin sa gusto niya?

Sabi ni Princess, “Actually, gusto kong maging doctor.

"Pero hindi ko kayang mag-aral ng twelve years! Baka puti na ang buhok ko bago ako mag-graduate.”

Ilang years na siyang nagpa-practice bilang isang registered nurse sa U.S.?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga isang taon pa lang, bago pa lang.

"And masaya... masayang mahirap.

“Masarap yung alam mo na meron ka pang puwedeng ibang gawin.

“Masarap yung after twelve hours, at the end of your shift, meron kang natulungang mga tao para mas umige pa yung health.

“Minsan may mga tao na ni hindi marunong mag-English, pero alam mong hirap na hirap.

“Hahawakan mo lang ang kamay, relieved na sila dahil may mga bagay na hindi nagagamot ng gamot lang.

“At the end of the day, you feel fulfilled knowing na meron kang natulungan.”


MESSAGE TO WILLIE. Sa kabilang banda, ang ex-husband ni Princess na si Willie Revillame ay balik-telebisyon na naman matapos ang mahigit isang taongh pamamahinga.

Sa May 10 na magsisimulang umere ang game show nito sa GMA-7 na Wowowin.

Ayon kay Princess, “Actually wala kaming communication ngayon. Ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakakausap.

“The last time na nakausap ko siya, I think 2010 pa. Birthday niya yata ‘yon na pumunta kami ni Tita Caridad [Sanchez].

"Iyon ang last time, tapos hindi na kami nagkausap.

"Pero okey naman kami, we have remained friends.

“Wala naman kaming bad blood. Kumbaga, kapag nagkita kami, mag-uusap kami.

“Wala naman kaming… kumbaga, hindi naman kami naghiwalay na magkaaway, kaya okey kami.”

May message ba siyang gustong ipahatid kay Willie?

Sabi ni Princess, “Willie, pagbutihan mo.

"Although alam ko naman na in everything you do, you always try to be excellent.

“So, alam kong you’ll do very well.

"I pray that God will bless you through and through na maging okey talaga yung show mo.

“And I know na gusto mo lang mag-impart ng saya sa tao.

“So, sana masayahan sila sa mga ginagawa mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN