Yasmien Kurdi arranges date for Rich Asuncion: "Gusto ko mas maging happy siya.”

Yasmien Kurdi shows she’s truly looking after the happiness of her friend Rich Asuncion by presenting her with a boyfriend-material for a date. Rich reacts, "It’s been two years. Chill lang naman ako, ’pag may nakilala, okay lang." (In photo, L-R: Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla Jr.; Rich Asuncion and date Ben.)


Ikinatuwa ng magkaibigang sina Yasmien Kurdi at Rich Asuncion na nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-bonding sa special screening ng pelikulang Avengers: Age of Ultron, na ginanap sa Shangri-La Cinema 4 noong Abril 24.

Sabi ni Yasmien, “Nagkataon kasi na wala kaming taping pareho kaya, 'eto, nagka-chance kami na manood ng sine.

“Eto yung first bonding namin na manood ng sine.

“Thankful kami sa PLDT Home Telpad sa pag-invite sa amin dahil gusto talaga naming panoorin itong Avengers.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasabay ang isa pang PEP contributor na si Gorgy Rula, sina Yasmien at Rich bago nagsimula ang special screening.

Dati nang magkaibigan sina Yasmien at Rich dahil alumni sila ng StarStruck at naging mas close daw sila nang magkasama sila sa afternoon teleserye ng GMA Network na Yagit.

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa’t isa kaya nag-click sila bilang magkaibigan?

Ayon kay Yasmien, “Si Rich kasi mabait na tao, and then sobrang down to earth, and then matalino, maganda, ‘di ba?

“So, sino ba naman ang hindi gugustuhing maging kaibigan ang ganito?”

Ayon naman kay Rich, “Si Yas, sobrang jolly, ang dami niyang kuwento.

“Pag nasa taping, ayun sobrang ang jolly lang, she lights up the room, kumbaga.

“Kahit sino kakausapin niya, ang saya niya lang kasama. And siyempre, mabait din.”


FOURSOME. Kasama ni Yasmien sa special screening ang asawa niyang si Rey Soldevilla Jr., at si Rich naman ay may guwapong ka-date na nakilala lang ng PEP sa first name nitong Ben.

Nasa circle daw ng friends nina Yasmien at Rey si Ben kaya naging daan sila para makilala ito ni Rich.

Sabi ni Yasmien, “Kami ng friends namin, niyaya ko rin si Rich, ‘tapos may mga friends din kami later na coming over.

“So, ayun, nood-nood lang ng movie.”

So, hinanapan niya ng ka-date si Rich?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Yasmien, “Hindi naman, kasama rin namin yung friends namin.

“Nagkataon lang talaga na wala kaming taping kaya niyaya ko si Rich.”

Crush daw kasi ni Ben si Rich. So, may ligawan na bang nangyayari?

“Wala pa,” ani Rich.

Ano ang naramdaman niya nang malaman niyang interesado sa kanya si Ben?

Sagot ni Rich, “Siyempre, flattered.

"Ako naman, I just want to make friends, as much as possible maraming kaibigan, ganun.”


AVAILABLE. Ready na ba si Rich na pumasok ulit sa bagong relationship?

“Siguro naman, it’s been two years.

"Chill lang naman ako, pag may nakilala, okay lang.

“Hindi ko rin naman minamadali. Mas okay din naman na marami kang friends.”

Traumatic ba yung huling breakup niya kaya matagal na wala siyang boyfriend?

“Hindi naman, wala lang din kasing dumating. Hindi ko rin naman kasi hinahanap.

"Ganun naman kasi mas okay, e, if it’s really meant to be, yun.”

Tinanong naman ng PEP si Yasmien kung gusto na ba niyang magka-boyfriend ang kaibigan.

Sagot niya, “Siyempre, gusto kong maging happy siya.

“Hindi naman sa hindi siya happy, pero gusto ko mas maging happy siya.”


RICH’S DATE. Saglit ding nakausap ng PEP si Ben para alamin ang saloobin nito kay Rich.

Ano ang feeling niya sa first date nila ni Rich?

“Yung feeling ko, parang medyo overwhelming kasi maraming… like kayo [press]!” sabay tawa ni Ben.

How does he find Rich?

Sagot ni Ben, “Maganda talaga siya. Parang nice girl talaga. But I don’t want to give away too much.”

Gusto raw ni Ben na mas makilala pa si Rich kaya malamang masundan pa ang date na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN