Ruby Rodriguez allows daughter Toni Aquino to join showbiz

What took Ruby Rodriguez so long to allow her daughter Toni Aquino to enter showbiz? The Eat Bulaga host explains, “Kahit sabihin natin na cliché at lumang tugtugin na ang ’Yan lang ang mapapamana namin sa inyo,’ totoo talaga ’yon, e. I really want her to finish school.”


Sadya raw hindi pinayagan noon ni Ruby Rodriguez na mag-showbiz ang kanyang panganay na anak na si Toni Aquino dahil gusto niyang makapagtapos muna ito ng high school.

Sa press conference ng Wattpad Presents: Lala Laitera noong Biyernes, April 24, sinabi ng comedienne-TV host na minsan na ring na-offer-an ng acting project ang kanyang anak, pero tinanggihan niya ito.

Kuwento ng Eat Bulaga! co-host, “Noong tinawagan nila [TV5] ako last year, I said no.

"It's not because I don't like, but because she's a graduating student.

“I prioritize school very much.

“Kasi nga, kahit sabihin natin na cliché at lumang tugtugin na ang 'Yan lang ang mapapamana namin sa inyo,' totoo talaga 'yon, e.

"I really want her to finish school.

“When I told her, sinabi ko na kinukuha siya pero 'di ako pumayag, sumama ang loob niya.

“Then, I told her, I promised, 'Anak, kung talagang para sa 'yo, kukunin at kukunin ka. Kapag kinuha ka at naka-graduate ka ng high school, ibibigay kita, promise, sa unang humingi.'


"Wattapad wins."

Incoming freshman si Toni—o Antoinette Nicole—sa U.P. Manila. Hindi kaya maging mas mahirap ito para sa kanyang anak?

Sagot ni Ruby, “Actually, inisip ko 'yon, pero ang college is time management, 'di ba?

“'Tapos na-shock na lang ako na ang college pala ngayon, may day-off na.

“Hindi ko talaga alam na ang kolehiyo pala ngayon, may araw na walang pasok.

"So, sabi ko, mas magagawa niya."

Patuloy pa ni Ruby, “Noong high school siya, she really loves to dance, so she danced witht the G-Force, nagpo-pole [dancing] pa siya.

“Sabi ko, 'Well, I will allow you to do dancing, but please make it as an inspiration to school, for your studies. Not as an obstruction.'

“So, sa college, 'yon din ang deal ko sa kanya. 'Kung kukunin ka pa, make it as an inspiration, not as an obstruction.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOWBIZ PLANS. Bilang ina ni Toni, sinadya raw ni Ruby na huwag makialam sa magiging showbiz career ng kanyang anak.

Ito rin ang dahilan kung bakit iba ang talent manager ni Toni.

Si Ruby ay nasa pangangalaga ni Malou Choa-Fagar, samantalang si Toni ay nasa pangangalaga ni Noel Ferrer.

Paliwanag ng Eat Bulaga Dabarkads, “I have no plans, kasi hindi ako ang nagha-handle sa kanya. I'm just her mother.

“She's under Noel Ferrer because I believe he can handle very well. Kasi kung ako, may prejudice.

“Mas gusto ko na separate entity kami.

“Sabi ko, ang pangarap ko sa kanya ngayon, kung dati siya ang anak ni Ruby, gusto ko ngayon makilala naman ako na nanay ni Toni.”

Nang tanungin kung magiging komedyante rin ba ang anak, agad na sagot ni Ruby, “Pakiramdam ko, nasa dugo naman 'yan, lalabas at lalabas. Meron at merong timing 'yan.

“Pero sabi ko nga sa kanya, 'Hindi 'yan ang peg mo, ako lang ang komedyante rito.'”

Paano kung tuluy-tuloy na comedy ang maio-offer kay Toni?

Sagot ni Ruby, “Well, kung doon pupunta, doon talaga mapupunta.

"Kung ano ang ibigay ng Diyos. Kung kanya, kanya.

“Kasi, ang mga uso naman ngayon, mga rom-com, so okay lang.

“Maganda nga yung may timing siya ng comedy.

"Kasi, sa mga kabataan ngayon, hindi na ganoon karami. Medyo on the drama side na sila.

“It's nice to be someone with a little timing. But with versatility, I hope.”

Si Ruby ay makakasama nina Toni at Carl Guevara sa Wattpad Presents: Lala Laitera ngayong linggo sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN