Andre Paras bags first acting award for his first teleserye

Andre Paras on going home with an acting trophy: “I’ve been, like, almost a year na po sa industry and I’m very thankful na I’m getting noticed po.”


Unang teleserye ni Andre Paras sa GMA Network ang The Half Sisters, ngunit napansin kaagad ang kakayahan niya sa pag-arte.

Patunay nito ang pagkapanalo niya bilang Outstanding Breakthrough Performance By An Actor, para sa pagganap niya sa nasabing afternoon soap, sa 6th Golden Screen TV Awards.

Ginanap ang awards night noong Linggo, April 26, sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Makati City.

Saad ni Andre nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “This is my first award sa showbiz.

“I’ve been, like, almost a year na po sa industry and I’m very thankful na I’m getting noticed po.”

Masaya naman si Andre na kasama niyang dumalo ng awards night ang kanyang ama na si Benjie Paras at stepmom na si Lyxen Diomampo.

“Masaya ako na full support talaga sila.

"I’m really thankful na kahit busy rin ang schedule nila, they made time to come and support me po."

Makailang beses nang na-extend ang The Half Sisters, kung saan kasama ni Andre sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Derrick Monasterio.

Ikinatutuwa nga raw ng cast na tila magkakaroon na naman ito ng panibagong extension.

Ayon kay Andre, “We are not yet sure kung hanggang kailan pa ang airing ng show, but it’s still doing well. So, hopefully, matagal-tagal pa po.”

SEPARATION. Kung si Andre ay namamayagpag ang career bilang artista dito sa Pilipinas, ang kapatid naman niyang si Kobe Paras ay nagpapakitang-gilas sa larangan ng basketball sa Amerika.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Benjie Paras ay nagpahayag siya ng kasiyahan sa tagumpay ng kanyang mga anak.

“Of course, masaya ako para kay Andre at kay Kobe nga,” sabi niya.

Bukod sa pag-aartista, part din si Benjie ng coaching staff ng San Beda at isa pang trabaho niya ay mag-recruit ng players sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito naman, vice versa ang nangyari. Kobe was recruited from here sa ating bansa para dalhin naman doon,” banggit ng dating PBA player.

Hindi raw naging madali ang pagkakawalay ni Kobe sa kanila.

Kuwento ni Benjie, “Yung unang mga buwan, mahirap.

“Nasanay ako na every morning, pinupuntahan ko sa kuwarto si Kobe, ginigising ko para sa preparation for school.

“Ngayon, medyo empty, and nakikita kong naaapektuhang lalo is si Andre, dahil sobrang close nila.

“Isa pa, lagi kong nakakausap si Kobe nung mga unang araw niya doon [sa Amerika], sobrang nalulungkot siya.

“There are times naman na nakakadalaw ako, nakakadalaw siya dito.

“Ang mahirap na part is yung magpapaalam na naman.

“Sa ngayon, naka-adjust na siya, actually nakaka-adjust siya nang maganda kapag merong games sila.

“Pero kapag nakabakante lang na puro school, medyo dun na siya nalulungkot.”

How often niyang nakikita o nabibisita si Kobe sa States?

“Ito lang, galing ako dun, kakarating ko lang two weeks ago, nagkita kami.

“And itong June, babalik siya to participate sa FIBA 3-on-3 na gagawin sa Hungary.”


ENJOYS ACTING. Andre is also into basketball. Dating miyembro ng UP Fighting Maroons ang young actor bago nag-transfer sa San Beda.

Ayon kay Benjie, “Nag-umpisa naman sina Andre at Kobe pareho sa basketball.

“Kaya lang, si Andre, nang lumipat nga sa San Beda ay kailangan muna siyang mag-resident.

“At habang ganun, sabi ko, 'Why don’t you try acting?'

“So, nung sinubukan niya, nagustuhan naman niya, nag-enjoy siya.

“Marami siyang mga nakilala na mga artista at maraming siyang mga naging kaibigan.

“At siyempre, kahit papa'no, nagkaroon din siya ng pangalan sa sarili niya.”

Ikinatutuwa raw ni Benjie na parehong nag-e-excel ang kanyang mga anak sa kanilang chosen field.

“Oo! Ang sa akin naman is kahit anong mangyari, basta maging happy sila.

“Maging successful kung anuman ang piliin nila. Sumusuporta lang naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nangyari, e, naghati sila. Sa showbiz si Andre at sa basketball si Kobe.

“Natutuwa ako actually.

“Si Andre, maganda yung show niya ngayon. At yung movies na ginagawa niya, okey din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN