Julia Barretto continues to communicate with her Tita Claudine

Julia Barretto says that her aunt Claudine Barretto congratulated her for her new movie project and wished her good luck.


Patuloy pa rin ang komunikasyon ni Julia Barretto sa kanyang tita na si Claudine Barretto.

Kuwento ni Julia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, “I was just speaking to her like an hour ago, we were on FaceTime 'coz nag-FaceTime kami.

“Ipinakita namin, kami together [ni Iñigo], we did a Dubsmash kaya tinawagan ko siya.

"Sabi ko, 'Check mo yung Dubsmash namin.'

Inihayag din ni Julia na nakalabas na ng ospital ng kanyang tita matapos itong magkasakit.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mga status si Claudine na nagkasakit ito at kinailangang dalhin sa ospital nitong mga nakalipas na araw.

“She's out of the hospital. She's at home now.

"We were FaceTiming when she was at home and she's on her way to complete recovery."

Binati ba siya ni Claudine sa bago niyang movie project?

Sagot niya, “She did, she did naman. And she wished me good luck for the presscon.”

Kabilang si Julia sa pelikulang Para Sa Hopeless Romantic, na nagkaroon ng press conference kagabi, April 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.


NO PROBLEM WITH SUPPORT ROLES. Wala rin daw problema kay Julia kung support role siya sa pelikulang Para sa Hopeless Romantic.

Tampok sa pelikulang ito ang JaDine (James Reid-Nadine Lustre) loveteam; at kasama rin si Julia at ang kanyang leading man na si Iñigo Pascual.

“No problem at all,” sagot ng anak ni Marjorie Barretto.

Dagdag niya, “First of all, there is no small role.

“Second, what's more important is how well you portray the role that was given to you and the impact on the audience, so it doesn't matter at all.

“It's teamwork. We're all in one movie.”

Inilarawan din ni Julia ang JaDine bilang “madaling makasama, magaan, walang problema.”

Lahad pa niya, si Nadine ang unang lumapit sa kanya sa unang pagkakataong magkasama sila sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What I appreciated sa kanya [Nadine] is, the first time we have gotten to see them nagsu-shooting dun sa standby area, I didn't think we would actually talk a lot.

“And then, she was the one who came to me first and then started making kuwento.

“Tapos nagkuwentuhan na kami.

"Tapos 'eto [Iñigo] nakisali, tapos nakisali [si James], e, di nakisali na lahat. Saya!” kuwento ni Julia.

Ipalalabas ang Para sa Hopeless Romantic sa May 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN