Sancho delas Alas supports mom Ai-Ai's current lovelife and her decision to move to GMA

Sancho delas Alas on mom Ai-Ai delas Alas's lovelife: "Kasi po ang usapan namin ni Mama, as in noon-noon pa po, 'Kahit sino pa iyan, kahit ano pa iyan, as long as masaya ka, go lang. Susuportahan ka namin. Pero pag hindi ka na masaya, that's the only time na eentrada kami sa lovelife mo.'"


Ayon sa Kapuso newcomer na si Sancho delas Alas, bata pa lang siya ay nasubukan na rin niyang mag-artista.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ??Batang-bata pa po ako noon, as in mga seven years old po ako noon.

??Sa GMA din po, Next po yung title ng show.

"Kasabayan ko po sina Geoff Eigenmann, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao."

Pero kailangan niya ring tumigil sa pag-aartista dahil gusto raw ng ina niyang si Ai-Ai delas Alas na makatapos muna siya ng pag-aaral.

Ngayong nasa showbiz na siya, ??Mas lalo po akong na-excite kasi mas madalas kaming nagkikita.

??Dati kasi work siya nang work, lagi siyang wala sa bahay.

??Ako naman ang nasa bahay dahil nag-aaral pa ako noon.

??Pero ngayon, lagi kaming nagkikita sa bahay ??tapos sa set.

??Kumbaga, malaking bagay rin po ito dahil mas nae-enrich ang bonding naming dalawa.??

STAGE MOM. Nagiging stage mother ba si Ai-Ai sa kanya?

Sabi ni Sancho, ??May point po na ganun. ??Anak, ganito yung entrada mo diyan.??

????Tapos doon sa set, bumaba pa siya ng kotse para i-check ako.

"??Kasi, anak, baka nabubulok ka na diyan,?? ganyan-ganyan.

??Sabi ko, ??Ma, huwag mo akong alalahanin. Alam mo naman kung paano ako magtrabaho, e.??

??Pero parang nagtse-check-check lang siya once in a while.

??Hindi ko naman po kailangang i-update siya all the time kung ano ang nangyayari sa akin sa set.

??Kung masasabi pong stage mother si Mama, ang masasabi ko lang, stage mother siya in a positive way.

??Lahat po ginagawa niya para sa ikabubuti ko rin, sobrang maalaga po kasi sa amin si Mama, e.

??At saka siya rin po ang nagma-manage sa akin, co-manager po si Mama ng GMA Artist Center.??

Binibigyan ba siya ng advice sa acting ng Mama niya?

??Once in a while, nagbibigay siya ng pointers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Pag may kailangan naman po ako, lagi akong lumalapit sa kanya, ??Ma, paano ko ba gagawin ito???

??So, siya naman, lagi siyang, ??Nak, ganito iyan.????

AI-AI??S BOYFRIEND. Samantala, suportado raw ni Sancho ang lahat ng desisyon ng kanyang ina, katulad na lang ng paglipat nito sa GMA.

Maging sa usaping lovelife ay suportado rin niya ang pagkakaroon ni Ai-Ai ng mas batang boyfriend sa katauhan ni Gerald Sibayan.

Close naman daw si Sancho kay Gerald. Sa katunayan, nagpo-post pa si Sancho ng picture nilang tatlo nina Ai-Ai at Gerald sa Instagram.

Sabi niya, ??Para ko pong barkada yung boyfriend ni Mama.??

Hindi rin daw problema na 21 si Sancho at mas bata pa sa kanya ng isang taon si Gerald.

??Hindi po, kasi po ang usapan namin ni Mama, as in noon-noon pa po, ??Kahit sino pa iyan, kahit ano pa iyan, as long as masaya ka, go lang. Susuportahan ka namin.

????Pero pag hindi ka na masaya, that??s the only time na eentrada kami sa lovelife mo.????

Nakikita niya bang masaya ang Mama niya kay Gerald?

Sagot ni Sancho, ??Opo, at saka si Gerald, nakakasama ko po siya, e.

??Hindi naman po ito nangyari na overnight lang, okay na lahat.

??Basta as long as masaya si Mama, susuportahan ko siya.

"Nakikita ko po na masaya si Mama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN