Rico J. Puno recuperating after 7-hour heart bypass surgery

Nagpasalamat ang mga kaibigan at kapamilya ng singer at komedyanteng si Rico J. Puno sa mga nagdasal upang mapagtagumpayan nito ang pitong oras na operasyon sa puso.


Naging matagumpay ang pitong oras na triple heart bypass surgery sa singer at aktor na si Rico J. Puno, 62.

Nangyari ang operasyon nitong Linggo, April 26, sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinalita ng matalik na kaibigan ni Rico na si Richard Merck ang matagumpay na operasyon.

Sabi ng jazz singer, “Amen! GOD IS GREAT!!!

“After more than 7 Hours of in the Operating Room! Rico J Has been blessed with a New Life!!! He Survived the Operation!!!!! He Passed the Bypass!!! We Love You Dear God! I am so Grateful to You!!!!!”

Post naman ng partner ni Rico na si Queenie sa Facebook: “Good morning! Jesus, I am humbled by the gift of life. Received good news from Doctor Garcia.

"I'm so glad! Please include Rico in your morning Prayer and Thank Jesus for a successful operation. smile emoticon Rico J. Puno I love you dags!!!!!! Cant wait for us to be transferred to the private room. Today was worth sleeping in the lobby!”

Good morning ! Jesus , I am humbled by the gift of life. Received good news from Doctor Garcia. I'm so glad ! Please...

Posted by Queenzle Natividad on Sunday, April 26, 2015

Noong Martes, April 21, sa taping ng kinabibilangang sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN, biglaan na lamang daw nahirapang huminga si Rico matapos kunan ang ilang eksena.

Dinala muna ang singer-actor sa clinic ng istasyon 'tsaka pinayuhang umuwi na at magpahinga.

Huwebes nang magpa-checkup si Rico sa Makati Medical Center at matapos nito ay na-confine na siya sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital.

Nitong Sabado, April 25, sumailalim si Rico sa ilang oras na angiogram sa Makati Med.

Kaugnay nito, binubuo ngayon ni Richard at iba pang mga kaibigan ni Rico ang isang fundraising project para sa tinaguriang The Total Entertainer.

Ayon pa kay Richard, "Soon to Happen: 'May Bukas Pa Rico J. A fundraising show!!! This is the Dream Team!!!"

Kabilang sa mga awiting pinasikat ni Rico ay ang “Kapalaran,” “May Bukas Pa,” “Lupa,” at “Macho Guapito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN