Angelika dela Cruz pregnant with second child

Kumpara raw noong unang pagbubuntis niya, ngayon ay nararamdaman na ni Angelika dela Cruz ang paglilihi. Saad niya, “Hindi ako naghahanap ng food, pero lahat ng paborito ko, ayaw ko. Kahit amoy, ayoko. Tapos umaga, tanghali, gabi, nagtu-throw [up] ako. Ang hirap!”


Kinumpirma ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz na dalawang buwan siyang buntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Orion Casareo.

Ginawa ni Angelika ang kumpirmasyon sa press conference ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Healing Hearts, Lunes ng gabi, April 27.



Ayon sa aktres, matagal na nilang hinihintay ng kanyang mister na masundan ang panganay nilang anak na si Gabby, na ngayon ay anim na taong gulang na.

Sa November pa ang due date ni Angelika.

Pero kahit mahigit dalawang buwan pa lang siyang buntis, halata na ang kanyang tiyan.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang laki na nga.

"Unlike noon sa first pregnancy ko, four months, may abs pa ako.

"Pero ngayon, malaki na."


ADVANCED TAPING. Marami na raw silang nai-tape na episodes ng Healing Hearts, kaya pabor kay Angelika na bago tuluyang lumaki ang kanyang tiyan ay posibleng tapos na rin silang mag-taping.

Sabi niya, “Mataba lang ako sa show.”

Habang ginagawa niya raw ang Healing Hearts nalaman ni Angelika na buntis siya.

Lahad niya, “Nagulat na nga lang ako.

“Every month, nagpi-pregnancy test ako, kasi gustung-gusto kong magbuntis.

"Hanggang, finally, nag-give up ka na.

“Ang huli ko pa ngang pregnancy test, sa taping ng Healing Hearts.

“Kasi nagrereklamo ako na sumasakit ang boobs ko, tapos lumalaki.

“Sabi nila, 'Mag-pregnancy test ka.'

"Kaya sabi ko, 'eto na yata 'to, finally.

“Tapos pagtingin ko, negative, hindi talaga.

“Nag-give up na ako kasi ilang years na, e.

“Sabi ko, ‘Hay naku, 'wag na! Kung wala talaga, e, di wala talaga.’

“Hindi naman puwedeng every month, yun na lang ang ginagawa ko—abangan ko kung kailan ako mapi-pregnant.”

ANGELIKA’S CRAVINGS. Mas nararamdaman daw ni Angelika ang paglilihi ngayon kumpara noong una siyang mabuntis.

“Kay Gabby, nalaman ko yata, three or four months na ako. Kasi irregular talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, naglilihi ko.”

Ano mga pinaglilihian niya?

“Hindi ako naghahanap ng food, pero lahat ng paborito ko, ayaw ko. Kahit amoy, ayoko.

“Tapos umaga, tanghali, gabi, nagtu-throw [up] ako. Ang hirap!”

Hindi siya nahihilo?

Natatawang sabi ng actress-politician, “Nahihilo pero kapag nag-ice candy ako, okey na ako!

“Minsan nga, kahit yelo lang, walang flavor, okey na ako.”

May pagbabago ba sa moods niya?

“Masungit pa rin ako!” natawa niyang sabi.


STILL WORKING. Kahit buntis siya ngayon, hindi naman daw nakikita ni Angelika na kailangan niyang mag-take ng leave mula sa mga trabaho niya at tungkulin sa Malabon bilang barangay chairman.

“Kahit kasi nagsusuka ako, nakakatrabaho ako.

“Kahit mahilo ka, kapag nailabas mo, okey na.”

Halos sabay pala sila ni Marian Rivera na posibleng sa November manganak.

Pero ayon kay Angelika, tama lang daw ang desisyon ni Marian na magpahinga muna ito sa trabaho.

“Si YanYan kasi, first time niya yun. Siyempre, she has to take care of it.

“Ako naman kasi, kapag wala akong ginagawa, naloloka naman ako."

Bilang lalaki ang panganay nilang anak, sana raw ay babae ang ipinagbubuntis niya ngayon.

“Pero siyempre, kung ano ang ibigay, basta healthy,” sabi ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN