Iñigo Pascual becomes awkward in front of Julia Barretto

Iñigo Pascual on being a hopeless romantic: “’Di ba, lahat naman po tayo ay ini-imagine ang kung ano ang perfect date, perfect way to ask her na… I always think, I always wonder how she’s doing, and how it should be. And I would like to think of... how it is to fall in love with… So, I could say I am a hopeless romantic.”


Halatang hindi mapakali si Iñigo Pascual habang katabi ang loveteam partner at nali-link sa kanyang si Julia Barretto sa presscon proper ng pelikulang Para Sa Hopeless Romantic, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, April 27.

Ang Para Sa Hopeless Romantic ay ang pangatlong pelikula na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre, na mas kilala sa bansag na JaDine.

Kasama rin sa pelikula sina Julia at Iñigo.

Nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo tungkol sa kanilang dalawa ni Julia, sa question-and-answer portion ng presscon, halatang namula ang pisngi nito't tila naghahanap ng maisasagot.

Lalo na nang maghiwayan ang fans na nasa audience gallery ng mga oras na iyon.

Sagot naman ng Kapamilya teen actor, na napabuntung-hininga pa, “How do I describe this? My heart beats as I answer this.

“Alam niyo, she's one of the... actually, she's the closest girl friend [that I have].

“Pero seryoso, she's the person that I am able to talk to about anything.”

Dugtong pa ni Iñigo, “Sinabi ko ito kanina, na ang ka-loveteam mo, dapat best friend mo rin.

“Kailangan, trust niyo ang isa't isa.

“Kasi, you’re working together, you help each other, and you have one dream.

“And kailangan talaga nandun yung trust."

Kung siya ang masusunod at mabibigyan ng pagkakataon, gusto ba niyang mag-level up ang samahan nila higit pa sa pagiging ka-loveteam?

Baling naman ng 17-year-old Kapamilya talent sa kapareha, “Julia? A...”

Sinalo siya ni Julia sa gusto nitong sabihin.

Sabi ng young actress, “Na-awkward siya, kawawa naman!

“No, at this point, Iñigo and I are really, really good friends.

“That’s a good start.

"We have no idea where this special relationship will set us in the future.

“But more than anything, I really have a friend in Iñigo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Iñigo, ang Para Sa Hopeless Romantic ay isang espesyal na pelikula para sa kanya.

Sabi pa ng binatang anak ni Piolo Pascual, “Definitely. It’s our first movie together.

“You know, sinabi ko sa debut ni Julia, nung bata pa ako, sinasabi sa akin ni Tita Clau [Claudine Barretto], ‘I hope my niece will be paired off with you in the future.’

“So, I’m really confident 'cause she's Julia, one of the Barrettos.

“So, I'm so happy with what's happening now.”

PETTY FIGHTS. Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP contributor na si Allan Sancon si Iñigo kung sa tingin ba niya ay girlfriend-material si Julia.

Sagot ng young actor, “Julia? Definitely.

“I mean, you would want someone na you trust, someone naman who accepts you.

“Someone na 'di ka kakabahan kahit na anong side mo, kahit na galit.”

Ayon pa kay Iñigo, “One thing about Julia, we are so much alike.

“We know how to deal with each other, someone like this, who knows to put emotions on top to match...

“Parang 'pag sad siya, I'm someone who's gonna cheer her up, and vice versa.

“At saka hindi kami naaasar sa isa't isa.

“’Pag nag-aaway kami, we stop each other right away.

“Parang, 'Oy, we stop, we're fighting already.'

“Parang we stop our fighting right away.

“Hindi naman yung away na... we don’t fight,” paglilinaw niya.

Hindi naman daw ganun katagal sila mag-away.

“Madali lang, siguro mga thirty seconds. Sasabihin niya, ‘I'm a girl...’ basta.”

HOPELESS ROMANTIC. Samantala, dahil tungkol sa pagiging hopeless romantic ang tema ng movie nila, naranasan na ba niya ang maging ganito?

Tugon ni Iñigo, “Hopeless romantic? Opo.

“’Di ba, lahat naman po tayo ay ini-imagine ang kung ano ang perfect date, perfect way to ask her na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I always think, I always wonder how she's doing, and how it should be.

“And I would like to think of... how it is to fall in love with…

“So, I could say I am a hopeless romantic.”

Kailan ba niya naranasan yun?

Sagot ni Iñigo, “Ngayon po, seventeen po ako.

“Up to now, I still think of that dream date, that I would be able plan up, hopefully, someday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN