Krystal Reyes nervous about playing kontrabida for the first time

Krystal Reyes on playing a kontrabida role: “Gusto ko rin naman pong i-try para rin mas mag-mature yung tingin sa akin ng mga tao. Kasi hanggang ngayon, bata pa rin po ang tingin nila sa akin.”


First time na gaganap na kontrabida ng Kapuso young actress na si Krystal Reyes.

Ito ay sa bagong afternoon series ng GMA Network na Healing Hearts, na balik-tambalan din ng dating magkasintahang sina Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Sabi ni Krystal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa May 11 na po ang airing namin at kinakabahan po ako!

“Kasi yung… kung ano ang magiging opinyon ng mga tao kung ano ang sasabihin nila, na naging kontrabida ako.

“Baka kasi sabihin, ‘Ay, hindi naman siya bagay na maging kontrabida!’

“So, dun po, medyo kinakabahan na natatakot sa magiging opinion ng mga tao.

“Pero siyempre, kung anuman po yung magiging opinion nila, iyon din po ang way para malaman ko kung ano ba ang dapat ko pang i-improve para mas maging effective ako na actress."

Dagdag niya, “Ibang Krystal po ang mapapanood nila this time.

"Kahit po ako, nagulat din na, ‘Oh, my God, ang salbahe ko!’

“Na kapag binabasa ko ang script, ‘Wait lang, sobrang salbahe ko naman dito!”

THE KONTRABIDA. Ginagampanan ni Krystal sa Healing Hearts ang papel ni Chloe, na siyang magpapahirap nang husto kay Mikaela/Liza portrayed by Joyce.

Marami na raw silang mga eksenang nakunan na talagang sinasaktan niya si Joyce.

“Mabuti na lang at magkaibigan na kami ni Joyce dati pa.

“Kaya hindi na naging mahirap for me yung mga eksenang kailangan ko siyang sampalin, sabunutan, at api-apihin.”

Malaking sugal na maituturing ang pagpayag ni Krystal na gumanap bilang kontrabida dahil nagbibida na siya sa mga naunang seryeng ginawa niya sa Kapuso network.

Hindi siya natatakot na baka ma-typecast siya sa mga salbaheng characters?

Sagot ng Mga Mata Ni Anghelita star, “Nung una po, parang natakot ako na, ‘My God, kontrabida?’

“Kasi, ‘di ba po, kapag kontrabida, kinakainisan ng mga tao?

“Pero inisip ko na lang po na baka may plano sila. Baka babagay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At gusto ko rin naman pong i-try para rin mas mag-mature yung tingin sa akin ng mga tao.

“Kasi hanggang ngayon, bata pa rin po ang tingin nila sa akin.”

Paano kung mahirapan na siyang bumalik sa pagbibida?

Sabi ng 18-year-old Kapuso talent, “Tingnan po natin.

“May plano naman po si God kung anuman yung dapat na mangyari.

“Basta ako po, kung ano yung nandito, iyon na lang ang iniisip ko sa ngayon.

“Katulad ngayon, kontrabida. Ibibigay ko na lang po yung one hundred percent ko sa pagiging kontrabida.”

Matagal ba niyang pinag-isipan bago siya nakumbinsing gumanap bilang kontrabida?

Ayon kay Krystal, “Nung sinabi po sa akin na kontrabida ang magiging role ko, medyo una po, nagulat ako.

“Na parang, ‘Wait lang, kaya ko ba ‘to?’

“Parang mas ganun po na, ‘Kaya ko bang panindigan? Kaya ko bang maging kontrabida?’

“Inisip ko nang matagal talaga. ‘Tapos nung nalaman ko na si Joyce pala ang makakasama ko, okey.

“Naging plus point po iyon para tanggapin ko.

“Inisip ko na lang na baka ito talaga ang para sa akin, para maging mature na nga ang tingin ng mga tao sa akin.”

NO BF SINCE BIRTH. At 18, hindi pa raw nai-in love at nagkaka-boyfriend si Krystal.

Sabi niya,“Pero darating naman po ‘yan. Hindi ko muna po iniisip ang tungkol diyan.

“Ayoko muna pong isipin hangga’t wala pa.

“Para kung anuman yung dumating, hindi ako madi-disappoint at magiging masaya ako.”

Pero may mga nanliligaw sa kanya ngayon?

“Meron naman po,” pag-amin niya.

May mga artista na nagpaparamdam sa kanya?

“Wala po. Puro non-showbiz.

“Hindi ko po sila masyadong ini-entertain talaga. Nilalagyan ko talaga ng line na, okey, friends tayo.

“Kasi sa akin din po, ayoko pa rin po muna.

“Kasi nga po, pakiramdam ko, masyado pa akong… hindi pa ako ganun ka-mature para mapasok sa isang relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi po, feeling ko, kapag dumating sa akin ‘yon na… halimbawa magselos ako, feeling ko po, sobrang mahi-hurt ako.

“So, parang… hindi pa rin po ako handa.”

Pero may mga crush siyang mga artista?

“Opo. Crush ko po si John Lloyd Cruz at saka si Kuya Dong [Dingdong Dantes] po,” banggit ni Krystal.

Wala siyang crush na Kapuso young actor?

“Kaibigan ko po silang lahat. Ang tingin ko sa kanila, kaibigan po,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN