Tina Paner still single after breakup with father of her child

Tina Paner on falling in love again: “Hindi ako nagkaroon ng trauma. Parang ang nangyari na lang sa akin is parang lessons learned, ‘di ba? Parang natuto na lang ako. Siguro kung darating yung time na yun, darating. Ayoko kasing madaliin.”


Pinakaunang regular drama series ni Tina Paner sa GMA Network ang Healing Hearts, mula nang magbalik siya sa Pilipinas at i-resume ang kanyang acting career.

Sabi ni Tina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi yung ibang nagawa ko dito, mostly puro mga guesting lang.

“Tulad ng Once Upon A Kiss, nandun ako... itong week na ito, last week na nila.”

Bakit natagalan bago siya tumanggap ng regular drama series mula sa Kapuso Network?

Paliwanag ng dating That’s Entertainment mainstay, “Well, nagkataon lang sigurong may magandang project na dumating.

“Kasi bago namin tinanggap ito, may ginagawa ako sa kabila [TV5], which is yung Trenderas.

“So, hindi naman puwedeng isabay.

"Nagtapos sila December last year, so after ng natapos na siya, ginawa na namin itong Healing Hearts.

“Kasi nag-start na kami ng taping November.”

SINGLE MOTHER. Kasama ni Tina sa presscon ng Healing Hearts kagabi, April 27, sa GMA Network Center, ang 12-year-old daughter niyang si Luisane Kristiel or Shane.

Apelyido ni Tina ang gamit ng bata.

Paliwanag ng aktres, “Sa Spain kasi, ke may asawa ka ke hindi, ang mga bata dun, family name ng babae ang ginagamit.

“I’m a single mother, matagal na… years na rin.”

Wala raw siyang boyfriend ngayon.

“Parang kasi dumating sa point na, okay, kung darating man siya, fine, kung hindi, okay lang.

“As long as nandiyan yung anak ko.”

LIFE IN SPAIN. Matagal nanirahan si Tina sa Barcelona, Spain.

“Almost eleven? From 2002 hanggang 2011? 20012, ganyan.”

Ipinakuwento namin kay Tina kung paano siya napunta sa Barcelona.

“Hay, naku, bakit nga ba ako napunta dun?

“Kasi yung dad niya [her daughter], na-meet ko dito sa Manila.

“Yung friend namin is cousin ng dad niya, so ang ginawa nung best friend ko at saka nung cousin niya, pinag-blind date kami.

“Pinoy-Spanish siya.

“Pina-blind date nila, kasi ayoko talaga, as in matagal na rin akong hindi nagkaroon ng boyfriend that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung na-meet ko yung dad niya, almost seven, eight years, hindi ako nag-ano nun.

“So, sabi ko, ayoko talaga.

“E, no choice ako kundi, sabi nila, ‘Sige, lalabas lang tayo, pero wala, wala kang mami-meet.’

“Ayun nga, na-meet ko yung dad niya.

“So, siyempre dumating sa point na na-in love, ganyan.

“So, naka-base sila sa Barcelona, so nagpunta ako ng Barcelona.

“From there, dun na.

“Nabuntis ako and nanganak ako nung 2003.”

BREAKUP. Hindi raw sila ikinasal ng ama ng kanyang anak, hanggng sa nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Kailan sila naghiwalay?

“Well, matagal-tagal na rin,” sagot ni Tina.

Almost four years old na raw ang anak nila nang maghiwalay sila.

Ilang taon siyang single noong nasa Barcelona siya?

“Probably six-seven years.”

Pagkatapos daw ng relasyon na iyon ay tumutok si Tina sa trabaho at sa kanyang anak, kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makahanap ng bagong mamahalin sa Barcelona.

Pagpapatuloy pa ni Tina, “Yung dad niya, hindi naman showbiz.

“So, kapag ino-open yung topic na yun, kung maaaring huwag na lang pag-usapan, kasi very ano sila, hindi sila sanay sa showbiz.

“At tsaka meron na rin siyang pribadong buhay.”

Nasa Spain pa rin yung guy?

“Well, paganun-ganun lang sila.”

Si Tina ay puwede pa rin daw bumalik sa Barcelona anytime.

“Kaya lang, komo nandidito yung trabaho at saka ilang years din naman akong wala, so na-miss ko din naman.

“At saka yung anak ko, nasanay na rin dito sa buhay sa Pilipinas.”

Hindi pa ba siya handang umibig muli? Na-trauma ba siya sa huli niyang pakikipagrelasyon?

Sagot ni Tina, “Hindi ako nagkaroon ng trauma.

“Parang ang nangyari na lang sa akin is parang lessons learned, ‘di ba?

“Parang natuto na lang ako.

“Siguro kung darating yung time na yun, darating. Ayoko kasing madaliin.”

Ang manager ni Tina ay si Rams David, na manager din nina Marian Rivera, Sheryl Cruz, Andrea Torres, at Miss Celia Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN