Sa gitna ng trahedyang nangyari sa bansang Nepal dahil sa napakalakas na lindol na tumama rito, nakaagaw ng pansin ng netizens ang tweets ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon.
Si Joey—na kilala sa kanyang mga hirit at word play—ay may mga tweet ding may kinalaman sa nangyaring lindol sa Nepal.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
News: NEPAL Earthquake-Major! In the philippines EPAL landslide-Great!
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) April 26, 2015
Sa mga nalibing sa Highest Point in the World dahil sa avalanche because of the earthquake in Nepal, May you EVEREST IN FREEZE !
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) April 27, 2015
Tila hindi naman nagustuhan ng ilang followers ni Joey sa Twitter ang pagbibirong ito ng Eat Bulaga! host.
Ayon sa iba, bagamat nirerespeto nila ang comedian-TV host ay hindi raw nakakatawa ang tweet niyang ito, lalo na sa panahong ito na maraming namatay at nagdadalamhati.
.@AngPoetNyo How insensitive.
— Myungsoo Is Straight (@putapIs) April 28, 2015
@AngPoetNyo i respect u for ur comedic prowess sir pero that's very insensitive
— Gill 2K (@gill2k) April 27, 2015
@AngPoetNyo i respect you sir but this is not the good time to make joke about it. Sorry.
— Christopher Quijano (@c_quijano) April 27, 2015
@AngPoetNyo seriously? Show some respect man.
— Michael Angelo Rayco (@michaelrayco) April 27, 2015
Buwelta naman ni Joey sa mga punang ito sa kanya:
Bakit ganon sa twitter pag hindi nila nakuha joke or not o hindi sila nakaisip nung entry wala ka nang kwenta? I just condoled mga bobo !
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) April 27, 2015
Dagdag pa ng veteran comedian/TV host/columnist:
Sa mga "righteous" dyan: Do not talk to me about respect for the dead. Kausapin nyo muna creatorsng Walking Dead at mga Vampire series !
— Joey de Leon (@AngPoetNyo) April 27, 2015
Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 4,000 ang nasawi sa lindol na tumama sa Nepal noong Sabado, April 25.
Pero ayon sa mga eksperto, maaaring umabot sa 10,000 ang bilang ng mga namatay.
Hindi naman daw bababa sa 8 million ang naapektuhan ng 7.8-magnitude earthquake na ito.
