Derek Ramsay clarifies that he is not hiding his non-showbiz girlfriend: “It’ll come out. It’s out there.”

Derek Ramsay on one quality that he likes about his girlfriend Joanne Villablanca: "She has this laugh that’s addicting. Parang kahit anong galit mo o stressed, kapag tumawa, it just feels good. We have to have a positive outlook in our life. She definitely has one. She seems to laugh about everything."


Matipid ang mga sagot ni Derek Ramsay sa tuwing matatanong siya tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Derek matapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa TV5, Martes ng tanghali, April 28.

Bagamat sumasagot siya sa tanong tungkol sa kanyang lovelife, kapansin-pansin ang 'di niya pagbanggit sa pangalan ng kanyang present girlfriend na si Joanne Villablanca.

Read: Derek Ramsay posts Palawan vacation with rumored non-showbiz girlfriend

Paglilinaw naman ni Derek, “I'm not hiding her.

“Like what I've said, hindi ko naman maitatago 'yan, e.

“I said that I'm gonna be private about my lovelife, but at the same time, I can't hide it.

“It'll come out. It's out there.”

Ano ang mga katangiang nagustuhan niya sa kanyang bagong “apple of the eye”?

Nakangiting sagot ni Derek, “She's very understanding, ang gaan niyang kasama.

“She has this laugh that's addicting.

"Parang kahit anong galit mo o stressed, kapag tumawa, it just feels good.

“We have to have a positive outlook in our life. She definitely has one.

"She seems to laugh about everything."

Ayon pa kay Derek, kahit madalas siyang busy, naiintindihan ng kanyang non-showbiz girlfriend ang trabaho niya bilang artista.

“That's what you do when you're in love, right?

"You understand, that's what you'll do.

“You have to accept them for who they are.

"Change comes gradually.

“It's not change enforced on you to change what you wanna do. Tingnan na lang natin.

“Kailangan ko na lang talaga ng blessing to find the lucky girl.”

Sa tingin ba ni Derek ay si Joanne na ang “right girl” para sa kanya?

Natatawang sagot niya, “Tinatakot n'yo ako! Baka magbitaw na naman ako rito ng forever, patay!”

Gayunman, inamin ni Derek na handa na siyang lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya.

“When the time is right. Hindi na ako bumabata, gusto ko nang magkaroon ng malaking pamilya,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN