Bianca Gonzalez confirms her pregnancy: “I am three months along the way.”

Nagbunga na ang pagmamahalan nina Bianca Gonzalez at JC Intal apat na buwan mula nang sila ay maikasal sa El Nido, Palawan. Nito lang nakaraang buwan ay muling binalikan ng mag-asawa ang naturang lugar para sa kanilang Holy Week vacation.


Apat na buwan mula nang maikasal siya sa basketbolistang si JC Intal, kinumpirma ni Bianca Gonzalez na buntis na siya ngayon.

Mismong ang manager ni Bianca na si Boy Abunda ang nag-anunsiyo ng opisyal na pahayag ni Bianca ukol sa pagdadalantao ng Kapamilya TV host.

Tatlong buwan na ngayon ang dinadala ng Kapamilya TV host.

Sa April 28 episode ng Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Boy na siniguro muna ni Bianca na ligtas ang first trimester ng kanyang pagbubuntis bago niya isapubliko ang tungkol dito.

“I am three months [12 weeks] along the way and heartbeat is very strong and all is good and healthy,” saad ni Bianca sa ipinadala niyang text message kay Boy.

Ilang minuto pagkatapos ng naturang anunsisyo, agad bumuhos ang pagbati at positibong mensahe ng avid fans ni Bianca at mister nitong si JC sa social media dahil natupad na ang kahilingan nilang mabiyayaan ng “baby rockets.”

Matatandaang bahagi ito ng wedding vow ni Bianca nang ikasal sila ni JC sa isang intimate ceremony sa El Nido, Palawan, noong December 4, 2014.

Narito ang kabuuan ng text message ni Bianca na inilathala sa Instagram account ng A&A Tonight:

Congratulations @iamsuperbianca and @jcintal7! #AquinoAndAbundaTonight

A photo posted by Aquino & Abunda Tonight (@aatofficial) onApr 28, 2015 at 7:20am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN