Regine Velasquez lashes back at her disappointed fans: "Ano akala niyo sa akin, robot?"

Hindi napigilan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang sarili na makipagsagutan sa diumano’y disappointed fans niya. Sinabi ng 45-year-old singer-actress na hindi na katulad ng dati ang kanyang makakaya pagdating sa pagkanta, at wala na raw siyang kailangang patunayan pa.


Medyo hindi maganda ang naging sagutan ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez at isa niyang tagahanga sa Twitter.

Hindi kasi napigilan ni Regine na ilabas ang kanyang nararamdaman tungkol sa salitang "disappointment."

Kagabi, April 28, nag-tweet ang isang fan ng singer-actress patungkol sa kanya.

Kaagad naman itong sinagot ni Regine ng:

Tugon ng naturang tagahanga:

Dagdag naman ni Regine:

"WILL NEVER BE THE SAME..." Dahil sa tweet na ito, inabot ng madaling-araw ang palitan ng tweets ni Regine at ng kanyang iba pang mga tagahanga.

Sa mga kasunod na tweets ni Regine, inamin nitong mahirap nang ibalik kung anuman ang timbre ng boses niya noong kanyang kabataan.

Aniya, nagkakaedad na siya at naibigay naman niya noon sa kanyang mga tagahanga ang inaasahan ng mga ito mula sa kanya.

Sabi naman ng isang fan:

Tugon ng Songbird:


"GAMITIN KO ITO PARA SA KANYA..." Sa mga kasunod na tweets ng Sarap Diva host, sinabi nitong galing sa Diyos ang boses niya kaya nararapat lamang na gamitin niya ito para sa Kanya.

"HINDI KO KAILANGAN ANG SUPORTA NIYO..." May isa ding tagahanga ang singer-actress na nagsasabing may mga umalis nang fans si Regine.

Ito ang sunud-sunod na tweets ng tagahangang ito:

Tugon dito ni Regine:

Dagdag pa niya:

May isa namang fan na nagsabing hayaan na lang daw at huwag nang magalit.

Sa huli ay sinabi ni Regine na, sa ngayon, ang mas mahalaga sa kanya ay ang Diyos at ang kanyang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN