Vice Ganda still refuses to name his new boyfriend: "Bakit kailangan niyong malaman ang pangalan, para husgahan?"

Vice Ganda on why he refuses to name his present boyfriend: "Masisira, masisira kami. Huhusgahan siya. Bakit mo isa-subject sa scrutiny yung taong mahalaga sa ‘yo, sa panghuhusga ng mga tao? Bukas-makalawa, may mababasa na ako sa Twitter, hinuhusgahan siya, yung pamilya niya. Bakit, para saan?"


Maliban sa Mr. Chinatown 2014 titleholder na si Kurt Ong, may isa pang lalaking nauugnay ngayon sa Kapamilya star na si Vice Ganda.

Ito ay si David Licauco, na naging first runner-up sa Mr. Chinatown 2014 at varsity player ng DLSU-College of St. Benilde.

Ngunit gaya ng kay Kurt, mariin ding itinanggi ni Vice na may namamagitan sa kanila ni David.

“Si David? Hindi rin!” bulalas niya.

“At saka, sinabi ko naman sa inyo na kapag nakikita niyong kasama ko, hindi ko dyowa.

“Kasi ang dyowa ko, hindi naman talaga lumalabas.

“Yun ang totoo, mamatay man.”

Pero sa concert niya sa May 22, ang Vice Gandang Ganda Sa Sarili… Sa Araneta! Edi Wow!, manonood ba ang “dyowa” niya?

“Wala… hindi nga puwede,” diin ni Vice.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa pocket presscon para sa kanyang concert last week.

WHAT FOR? Ayon pa sa comedian-TV host, ayaw naman niyang kada interview ay tungkol lang sa kanyang dyowa ang palaging naitatanong.

Pero sabi naman ng entertainment press, marami kasing umiidolo sa kanya, lalo na ang mga kabataang bekis ngayon.

Buwelta naman ni Vice, “Ano ba ang gusto nila? Yung sabihin ang pangalan? Bakit? Para masira?”

Pakiramdam niya ba ay masisira ang relasyon nila kapag ipinakilala niya ito sa publiko?

Paliwanag ni Vice, “Masisira, masisira kami. Huhusgahan siya.

“Bakit mo isa-subject sa scrutiny yung taong mahalaga sa ‘yo, sa panghuhusga ng mga tao?

“Bukas-makalawa, may mababasa na ako sa Twitter, hinuhusgahan siya, yung pamilya niya.

“Bakit, para saan?

“Yun nga ang tanong ko palagi: Bakit kailangan niyong malaman ang pangalan, para husgahan?”

Pero yung boyfriend niya, okey lang bang malaman ng publiko ang tungkol sa kanila?

Sagot ni Vice, “Ayoko nga, at siya, hindi naman siya nag-i-insist.

“Ayaw niya rin. Yun ang mutual namin.

“Pinoprotektahan ko talaga.

“Yun na nga lang mga kaibigan ko, lalabas kami, bukas-makalawa, dyowa ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kung anu-ano na ang sinasabi ng mga tao.

“E, di kawawa naman, ‘di ba?”

Pakiramdam niya, babaeng-babae talaga siya na kapag may karelasyon ay ang daming nag-aabang, naku-curious?

“Kayo ang makakapagsabi niyan kasi kayo ang nag-aabang.

“E, bakit niyo ba kasi inaabangan, hindi naman ako babae!” natawa pa niyang sabi.

Suwerte naman daw kasi ang magiging dyowa niya.

“E, sana nga lahat ganyan mag-isip,” sambit niya.

BECAUSE OF COCO. Nagsimula ang isyu tungkol sa bagong boyfriend daw ni Vice dahil sa ginawang pambubuko sa kanya ng kaibigang si Coco Martin sa Gandang Gabi Vice.

Read: Coco Martin gives clues on Vice Ganda’s current lovelife: "Chinese-Chinese... mula sa isang pageant."

Hindi ba sila nagkaroon ng isyu ni Coco pagkatapos ng guesting nito?

Ayon kay Vice, “Hindi. Unang-una, wala naman siyang sinabing pangalan.

“Hindi ko puwedeng isisi kay Coco ang ginawa ng ibang tao.

“Hindi naman si Coco ang nag-conclude, yung mga tao, ‘di ba?

“Hindi pa naman kami nagkakausap, hindi naman siya big issue.”

Kukuwentuhan pa rin ba niya si Coco pagdating sa personal niyang buhay?

“Naku, kahit hindi ko naman kuwentuhan ‘yan, ang dami niyang nalalaman!

“Alam niya, kasi lumalabas kami noon, nila Kurt.

“Pero sinasabi ko sa kanyang ‘Mga barkada ko yun, baliw ka!’

“Tapos sinasabi niyang ‘hindi mo barkada ‘yan,’ yung ganyan.

“Kahit si David, sinasabi niya, dahil kasama ko sa party ni Sir Deo [Endrinal], sinasabi niyang, ‘Dyowa mo ‘yan.’

“’Hindi ko nga dyowa!’

“Yung may madikit lang, dyowa.

“’Hindi ko nga siya dyowa. Hindi ako nagsisinungaling, makarma na! O, hayan ha!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN