Fil-Am teen Gail Banawis to sing the Philippine National Anthem at Pacquiao-Mayweather fight

Nineteen-year-old Fil-Am Gail Banawis will join the Word Chorale in singing the Philippine National Anthem at the Pacquiao-Mayweather fight on May 2 (May 3 in the Philippines).


Ang 19-anyos na si Gail Banawis ang makakasama ng The Singing Pastors o Word Chorale para kantahin ang Philippine National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather Jr. sa May 2 (May 3 sa Pilipinas), sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Si Manny pa raw mismo ang nagsabi kay Gail na kasama siya sa kakanta ng "Lupang Hinirang."

Lahad ng Filipino-American aspiring singer sa panayam ng 24 Oras nitong Lunes, April 27, “He informed me that he wanted to consider me to join The [Singing] Pastors.

“Of course, I was surprised.

"It’s a blessing for Manny Pacquiao and this fight, especially, I was speechless."

Hindi naman ito ang unang pagkakataong tinangka ni Gail na umawit ng Philippine National Anthem sa laban ni Manny.

Nag-audition daw siya noong nakaraang taon, pero hindi siya napili.

Kuwento ni Gail sa video interview sa kanya ng SPIN.ph, “In the past, I actually auditioned for one of Manny’s fights, tapos from there, he considered me.

“I tried out last year, pero the contract was given to someone else.

“Pero he still remembered me so he told me to join this fight instead.”


CHILDHOOD DREAM. Sinabi ni Gail na madalas siyang kumanta sa Filipino communities sa New York at New Jersey.

Sa YouTube, makikita ang performances ni Gail bilang front act sa mga concert ng local artists sa U.S.

Karangalan naman para sa aspiring singer ang pagkakataong makakanta para sa laban ni Manny, lalo pa’t hindi raw niya inasahan ang pagkakapili sa kanya.

“I mean, there’s a lot of talented people out there, yung mga artista talaga na are willing to do this.

"And for me to be chosen is a blessing.”

Ayon pa kay Gail, maliit pa lang siya ay pinangarap na niyang makakanta para kay Manny.

“I used to dream [to sing] sa one of his fights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would say, ‘Mommy, can I sing there one day?’

"Tapos sinasabi niya, ‘You know, maybe one day, we’ll see.’

"And I’m here right now."

Sa palagay ni Gail, bakit siya ang napili ni Manny para makasama ng The Singing Pastors para kantahin ang “Lupang Hinirang”?

Tugon niya, “I spoke to him as well.

"I guess maybe there was something in him that told him [to choose me]…

"I’m not sure, really. I’m just really grateful."

Ano naman ang inaasahan ni Gail para sa kanyang career pagkatapos ng performance niya sa laban ni Pacquiao?

“Actually, I’m not really sure, pero I’m just hoping whatever happens for my career, my career will just blossom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN