Joyce Ching on relationship status with ex-boyfriend Kristoffer Martin: "Ano po kami, legit na friends."

Joyce Ching says she and ex-boyfriend Kristoffer Martin are always excited about working together as friends. "Mas ini-enjoy muna namin yung trabaho, plus medyo busy rin kasi kami sa school, nag-aaral kami parehas.”


Sa ginanap na presscon ng GMA drama series na Healing Hearts noong Lunes, April 27, diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce Ching kung sila na ba ulit ni Kristoffer Martin.

Tumatawang sagot ng Kapuso young actress, “Hindi po! Diretso din!

Diin pa ni Joyce, “Hindi po, hindi po.”

Paano sila napapayag na muling magtambal sa isang drama series? Wala bang ilangan o awkwardness sa pagitan nila?

Ayon kay Joyce, “Kasi po kami, after po naming mag-break, siguro mga ilang months lang kami talagang nagkailangan, na sobrang awkward.

“Pero after nun, talagang looking forward pa rin kami pareho na magkatrabaho ulit.

“Kaya nung nandiyan na, na natsitsismis pa lang, napag-uusapan pa lang na magkakatrabaho nga daw po kami, sobrang excited po kami parehas.

“As in nag-uusap kami na sana matuloy, sana mai-push na matuloy nga na magbalik-tambalan po kami.”

Pangalawang proyekto nina Joyce at Kristoffer ang Healing Hearts pagkatapos ng hiwalayan nila kaya wala na raw masyadong adjustment sa pagitan nila. Una silang nagkatrabaho, after their breakup, sa Paraiso Ko’y Ikaw.

Bakit hindi sila magbalikan? Ano ang pumipigil sa kanila gayong pareho naman silang walang karelasyon sa ngayon?

“Ano po, hindi ko rin po alam. Hindi ko rin po alam!” at muling tumawa si Joyce.

Dagdag niya, “Siguro mas ini-enjoy muna namin yung trabaho, plus medyo busy rin kasi kami sa school, nag-aaral kami parehas.”

Nag-aaral ng kursong Film si Joyce sa Meridian International College; at si Kristoffer ay kumukuha naman ng kursong Entrepreneurship sa San Beda College.

Ayon pa sa dalaga, “At saka happy naman po kami sa relationship namin bilang magkaibigan, parang ganun pa rin naman po, e.

“Kasi lagi pa rin naman namin talagang takbuhan yung isa’t isa pag may problema or kung anumang mga kuwento-kuwento, ganun.”


FRIENDS. Hindi raw tumatanggap ng manliligaw si Joyce sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala raw silang usapan na bawal siyang magpaligaw at si Kristoffer ay bawal manligaw sa iba.

“Ano po kami, legit na friends, ganun.”

Hindi lang daw niya gusto na mag-entertain ng suitors sa ngayon.

May sumusubok pero binabasted niya?

Sagot ni Joyce, “Hindi naman po ako diretsong nambabasted, pero pinapa-feel ko lang na ayoko, ganun.”

Si Kristoffer ba ay may niligawang iba?

“Siya na lang po tanungin ninyo.”

Masasaktan ba siya o malulungkot kung may ibang niligawan o liligawan si Kristoffer?

“Siguro po, oo naman,” pag-amin ni Joyce.

Masasaktan o malulungkot siya?

“Ah… both?”

Alin ang parte na ikakalungkot niya?

“Siguro po ano, nauna siyang nakapagpalit, ganun!” natawang sagot ni Joyce.

Ano naman ang masasaktan siya?

“Iyon pa rin.”


IN THE KNOW. Sa pagkakaalam ba niya ay may nililigawan si Kristoffer ngayon?

Natatawang sagot ni Joyce, “Marami po akong alam!”

Ano ang mga ikinuwento na sa kanya ni Kristoffer?

“Siya na lang po ang tanungin ninyo, please.”

Inaalam niya ang mga nagaganap sa buhay ni Kristoffer?

“Lagi po kasi kaming nagkukuwentuhan on a daily basis, ganun.”

Mahalaga pa ba sa kanya na malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa personal na buhay ni Kristoffer?

“Kami naman kasi, close pa rin naman kami talaga.

“At saka yung way ng treatment namin sa isa’t isa, parang almost the same pa rin naman talaga.”

Umaasa ba si Joyce na balang-araw ay magkakabalikan sila?

“Ayoko ring magsalita ng tapos. Basta ano lang, go with the flow, ganun.”

Kaya ba ayaw niyang tumanggap ng manliligaw ay dahil umaasa siyang puwedeng bumalik sa kanya si Kristoffer?

“Hindi rin naman po. Siguro ano, mapili, mapili. Mapili talaga.

“‘Tsaka yun, sobrang busy din talaga sa school.

“Hindi ko rin in-expect actually na sobrang nakaka-stress palang mag-college at mag-artista at the same time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN