Andi Eigenmann on past relationship with Bret Jackson: "I wasn’t lying to anyone. I never denied anything."

Mas gusto muna raw ni Andi na ihiwalay ang kanyang personal na buhay sa kanyang career, kaya niya piniling itago sa publiko ang relasyon nila ni Bret. "Parang, for once, gusto ko muna i-keep private yung nangyayari sa personal kong buhay. Kasi po, parang minsan, kapagka napapag-usapan masyado ng kaagad-agad, palagi po parang nauudlot po siya, in a way, na hindi ko na alam pa’no ise-separate yung personal life ko sa career ko.”


Nagpaliwanag ang Kapamilya actress na si Andi Eigenmann kung bakit hindi niya isinapubliko noon ang relasyon nila ni Bret Jackson, sa kabila ng usap-usapan tungkol sa kanilang closeness.

Noong April 27, sa live interview ni Andi sa Aquino and Abunda Tonight ng ABS-CBN, inamin ng aktres na nagkaroon sila ng relasyon ni Bret pero natapos din ito kaagad.

Read: Andi Eigenmann confirms short-lived relationship with Bret Jackson

Sa premiere ng kanilang pelikulang Your Place Or Mine kagabi, April 28, sa SM Megamall Cinema 7, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Andi at Bret.

Ayon kay Bret, si Andi ang may kagustuhang itago ang kanilang relasyon sa publiko.

Paliwanag naman dito ni Andi, “Kasi po, parang sa sobrang dami ng napapagdaanan ko sa buhay, lahat na lang, ‘di ba, nagiging kontrobersiya?

"Lalo na yung paghihiwalay namin ni Jake [Ejercito].

"So, yung parang... naghiwalay na kami, after that, nakakilala po ako ng iba, which is Bret.

“Siyempre, para sa ‘kin, ayoko na muna sanang… parang, for once, gusto ko muna i-keep private yung nangyayari sa personal kong buhay.

"Kasi po, parang minsan, kapagka napapag-usapan masyado nang kaagad-agad, palagi po, parang nauudlot po siya, in a way, na hindi ko na alam paano ise-separate yung personal life ko sa career ko.”

Ayon pa kay Andi, sa kanyang palagay ay mas nag-work ang kanilang relasyon noong hindi nila ito ipinaalam sa publiko.

“Opo, in my opinion, opo.

"Kasi, parang... it’s not that we were really hiding from everyone.

"It’s just that we wouldn’t say it because parang nga to avoid people asking questions, that I don’t think parang kailangan ko namang sagutin.”

Pero mas gusto raw muna ni Andi na manatiling single sa ngayon.

“I think that’s my biggest issue within myself, na gusto ko talagang matutong i-prioritize yung sarili ko, for the first time in six years, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it doesn’t mean naman po na wala akong natutunan."

"I WASN'T LYING..." Nagi-guilty ba sila dahil parang nagsinungaling sila sa mga tao nang itago nila ang kanilang relasyon?

Mabilis na sagot ni Andi, “I wasn’t lying to anyone. I never denied anything.

"People just didn’t know about it, so people weren’t able to ask me.

“And when they do, yeah, of course, I said, ‘I like him.’

"Wala namang, ‘Ay, hindi po totoo yun!'"

Tinanong naman si Bret kung may plano ba siyang ligawan muli si Andi, lalo na ngayong hindi naman pala nagkabalikan ang aktres at si Jake Ejercito.

Sagot ni Bret, “I didn’t know... I was kind of hurt last night so, for at the moment, I didn’t know what to do.”

Ang tinutukoy ni Bret ay ang inetrview ni Andi sa Aquino and Abunda Tonight.

Pero naiintindihan naman daw niya ang naging desisyon ni Andi.

“I took it, I mean, the best way that I could.

"Kasi Andi needs to focus on her child right now.

"That’s okay with me, and I know she has a lot of big things coming out of her career.

“And I’m happy for her.

"And she’s right, six years, she deserves to be by herself for a while."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN