Kris Aquino proud of PNoy’s pivotal role in Mary Jane Veloso’s last-minute reprieve

“I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy," says Kris Aquino, who took pride in her brother PNoy’s efforts to save Mary Jane Veloso from execution in Indonesia.


Ipinagmalaki ni Kris Aquino ang ginampanang papel ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pag-apela sa Indonesian government na huwag ituloy ang pagbitay kay Mary Jane Veloso.

Si Mary Jane ang Pinay migrant worker na nakulong sa Indonesia dahil sa kasong drug smuggling, at nakatakda sanang maparusahan sa pamamagitan ng execution by firing squad bandang ala-una ng madaling-araw ngayong Miyerkules, April 29.

Sabi ni Kris sa isang bahagi ng kanyang Instagram post ngayong araw:

"And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT.”

Matatandaang tatlong beses umapela si PNoy kay Indonesian President Joko Widodo kaugnay ng kaso ni Mary Jane.

Kahapon, April 28, inihayag din ni PNoy ang tungkol sa proposal ng Philippine government na gawing star witness si Mary Jane laban sa sindikatong sangkot sa ilegal na pagpuslit ng droga sa Indonesia.

Sa ngayon, ang recruiter ni Mary Jane na si Maria Kristina Sergio ay nahaharap sa reklamong illegal recruitment, human trafficking, at estafa.

KRIS ECSTATIC OVER MARY JANE'S REPRIEVE. Sa pagpapatuloy ng sentimiyento ni Kris sa Instagram, ibinahagi ng TV host-actress na kasabay ng efforts ni PNoy na maisalba si Mary Jane ay patuloy ang pagdadasal ng pamilya Aquino para sa kaligtasan ng kababayang nahaharap sa death penalty.

Pahayag ni Kris, base pa rin sa kanyang Instagram post:

“I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy. (Thank You Manila Bulletin for the accurate front page.)

“Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING.

“I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia... Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad.

“From the New York Times I quote: 'Saying Indonesia had a right to exercise its drug laws, Mr Joko's govt. rejected international pleas to cancel the executions, including from Ban Ki Moon, Secretary General of the United Nation.'

“I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we will take offense when other countries will dictate upon us...

“But we are a God fearing, faithful nation. And He heard our collective prayer.”

I kept quiet & just prayed. Left & right paulit ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy. (Thank You Manila Bulletin for the accurate front page.) Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother & his government to find a way to spare the life of a fellow Filipino. To find a reason compelling enough for the Indonesian govt to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING. I prayed for God to bless our relations w/ Indonesia... Australia, Brazil, Nigeria, and even an Indonesian died by firing squad. From the New York Times I quote: "Saying Indonesia had a right to exercise its drug laws, Mr Joko's govt. rejected international pleas to cancel the executions, including from Ban Ki Moon, Secretary General of the United Nation." I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we will take offense when other countries will dictate upon us... But we are a God fearing, faithful nation. And He heard our collective prayer. And I kept quiet w/ the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me, but today it is my right & my privilege to say, I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT. 🇵🇭

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onApr 28, 2015 at 10:05pm PDT

INACCURATE FRONT PAGE NEWS? Kasabay ng pagpapasalamat ni Kris sa mga pahayagang naglathala tungkol sa ginawang pag-apela ni PNoy sa Indonesian government, naging tampok ng usap-usapan sa social media ang mga pahayagang nag-imprenta ng maling headlines tungkol sa sinapit ni Mary Jane.

Inaasahan kasing humarap sa execution by firing squad si Mary Jane sa Indonesia bandang ala-una ng umaga ngayong araw.

Tiyempong karamihan sa mga pahayagan ay nakapag-imprenta na ng kani-kanilang kopya ng broadsheets, bago pa lumabas ang balita tungkol sa last-minute reprieve na ibinigay ng Indonesian government kay Mary Jane.

Kaya makikita sa front page ng ilang broadsheets ang nakapagbalita tungkol sa sinapit na “kamatayan” ni Mary Jane.

Gaya ng Philippine Daily Inquirer na may headline na “Death came before dawn” sa inilabas nilang second edition broadsheet ngayong araw.

Ang Philippine STAR ay mayroong headline na “Screaming for mercy,” habang ang Manila Bulletin ay may nailabas ding headline na “No delay in execution.”

Ngunit sa updated edition ng Manila Bulletin ay nakapag-imprenta ito ng headline na nagsasabing “Veloso granted reprieve.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahapyaw na nabanggit ito ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post nang pasalamatan niya ang Manila Bulletin para sa inilabas nitong “accurate front page.”

Sa kasalukuyan ay nakabalik na si Mary Jane sa Wirogunan Prison sa Yogyakarta, Indonesia.

Kinumpirma rin ng Department of Foreign Affairs na tatayong pangunahing saksi si Mary Jane laban sa diumano'y illegal recruiter na si Maria Kristina Sergio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN