PEP EXCLUSIVE. Willie Revillame gets phone call from Manny Pacquiao; Pacman reserves ticket for Willie

In an exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Willie Revillame recounts phone conversation with Manny Pacquiao. “Sabi ko, ‘Pinapanood kita lagi, yung training mo. Good luck. Manalo, matalo, proud mga Pilipino sa ‘yo.’ Sabi niya, ‘Pare, mananalo tayo. Basta mananalo tayo.’"


Inimbitahan ni Manny Pacquiao si Willie Revillame na manood ng laban niya kay Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, sa May 2 (May 3 Philippine Time).

Ngunit bukod sa abala sa Willie sa pag-aasikaso ng bago niyang show sa GMA Network, ang Wowowin, ay isang ticket lang ang inireserba ni Manny para sa TV host.

Ito ay dahil na rin sa higpit ng ticket sales para sa tinaguriang “Fight of the Century.”

Pahayag ni Willie sa PEP, “Dapat pupunta rin ako, tinawagan ako ni Jake Joson two days ago.

“Si Jake yung laging nasa likod [ni Manny] na guwapo.

“Sabi niya, ‘Pare, in twenty minutes, Manny will talk to you. Kasama ko na siya and kumakain lang kami.”

Nakapanayam ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! editor-in-chief Jo-Ann Maglipon si Willie sa special edition ng PEPtalk, na ginanap sa Quezon City residence ng TV host noong Biyernes, April 25.

Dito ay nabanggit ni Willie na unang nakipag-usap sa kanya ang maybahay ni Manny na si Jinkee Pacquiao upang imbitahan siyang manood ng naturang laban.

Aniya, “Si Jinkee [sabi niya], ‘Hi Willie! Kung gusto mong manood, ha, just tell us, may ticket ako for you.'”

Pagkatapos ay si Manny naman ang kumausap kay Willie upang kumustahin ang TV host at yayain itong magpunta ng Las Vegas.

Pinalakas ni Willie ang loob ni Manny sa pamamagitan ng pagsabi na anuman ang maging resulta ng laban ay buo ang suporta ng sambayanang Pilipino sa Pambansang Kamao.

Ngunit kumpiyansang sumagot si Manny na sisiguraduhin niyang uuwi siyang kampeon laban kay Floyd.

Patuloy na lahad ni Willie, “Sabi niya, ‘O, Pare, nami-miss kita.’

“Sabi ko, ‘Pinapanood kita lagi, yung training mo. Good luck. Manalo, matalo, proud mga Pilipino sa ‘yo.'

“Sabi niya, ‘Pare, mananalo tayo. Basta mananalo tayo.

"'Manonood ka ba? Sabihin mo sa akin kung manonood ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Meron akong ticket, kaya lang isa lang talaga.’”

Sa huli, biniro pa ni Willie si Manny na ipupusta ng TV host ang lahat ng kanyang pag-aaring yaman pagdating ng araw ng laban ng Pambansang Kamao.

Ngunit kahit na biro ay tumanggi si Manny, na bukas sa pagsasabing tinalikuran na niya ang pagsusugal at iba pang bisyo mula nang siya ay maging born-again Christian.

Natatawang kuwento pa ni Willie, “Niloko ko, ‘Bebenta ko lahat ng ari-arian ko, ha? Itataya ko na lahat.’

"Niloloko ko. Sabi niya, ‘Huwag, ayaw ni Lord.’”

Maging si Willie ay nagpahayag kamakailan na umiiwas na siya sa dating bisyo tulad ng pagsusugal sa casino.

Read: Willie Revillame reveals "no casino" rule in his GMA contract

Abangan ang special edition ng PEPtalk ni Willie sa www.PEP.ph kasabay ng kanyang cover story sa June issue ng YES! Magazine na lalabas sa huling bahagi ng Mayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN