Tina Paner reveals reason why she never became friends with Lotlot de Leon

Bagamat matagal silang nagkasama noon sa That’s Entertainment, hindi naging magkaibigan sina Lotlot de Leon (kaliwa) at Tina Paner. May kinalaman ang pareho nilang pagkakaugnay sa aktor na si Ramon Christopher kung bakit hindi sila naging malapit sa isa’t isa.


“There was never a chance na maging friends kami ni Lotlot de Leon.”

Ito ang diretsong sagot ng former ‘80s teen actress na si Tina Paner nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naging close ba sila ni Lotlot noong panahong nasa That’s Entertainment pa sila.

Hindi naman itinanggi ni Tina na may kinalaman ang aktor na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez kung bakit hindi naging magkaibigan ang dalawa.

Unang na-link at nakarelasyon ni Tina si Monching bago naging ka-loveteam at maging girlfriend ng aktor si Lotlot.

Nagpakasal sina Lotlot at Monching noong 1989, pero naghiwalay at na-annul ang kanilang kasal noong 2009.

Lahad ni Tina, “Noong mga panahon na iyon kasi, nagkakagulo na ang mga fans namin.

“E, ang mga fans pa naman noon sa Broadway Centrum, grabe sila kung ipagtanggol nila kami sa ibang fans!

“It came to a point na nag-aaway-away na sila.

“E, magkakasama kami nina Balot [Lotlot] at Monching noon sa Monday group.

“Awkward na rin yung situation naming tatlo kaya nagpalipat na lang ako sa Friday group.

“Mabuti na rin 'yon para lang hindi na mag-away-away ang mga fans namin.

“’Tsaka ako na rin yung umiwas.

“Mga bata pa kasi kami noon kaya masyado kaming emotional. Madali kaming masaktan sa mga tsismis.

“So, para walang gulo, mas maganda na yung magkakahiwalay kami ng grupo.”

Nakausap ng PEP Tina sa press launch ng afternoon soap na Healing Hearts noong April 27 sa GMA Network Center.

NO CHANCE TO BE FRIENDS. Ayon pa kay Tina, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ni Lotlot na makilala ang isa’t isa.

“Gustuhin ko man na maging okey kami si Balot noon, walang naging chance.

"Kasi bigla silang nagpakasal ni Monching and she left the show din.

“Even before, noong pareho pa kaming mina-manage ni Tita Angge, hindi rin kami nagkakasama noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nga, we weren’t meant to be friends talaga noong mga panahon na iyon.”

Nang makabalik na ng Pilipinas si Tina noong 2013 mula sa paninirahan niya sa Spain, never pa rin daw silang nagkita ni Lotlot.

“Marami nga ang nagtatanong sa akin niyan, kung nagkita na ba kami ni Balot.

“Sa totoo lang, never pa.

“Kahit na yung aksidente kaming magkasalubong or magkasabay mag-guest sa isang show, hindi pa nangyayari yung magkita kami.

“Hindi ko alam kung bakit ganun, pero alam ko naman na someday, magkikita rin kami and things will be okay sa aming dalawa.

“Maliit lang naman ang mundo ng showbiz.

“Baka nga pagtawanan na lang namin yung mga nangyari noon.”

May kanya-kanya nang pamilya sina Tina at Lotlot, at pareho na rin silang single parent ngayon.

Reaksiyon dito ni Tina, “Oo nga ano… nagkataon lang siguro ‘yon.

“Hindi naman namin ginusto na mangyari ito sa amin.

“What’s important is that pareho kaming okey.

“I can see naman that her career is doing great and artista na rin yung panganay niyang si Janine [Gutierrez].

“I’ve moved on na and, I guess, naka-move on na rin si Balot.”

Pero hindi naman daw umaasa si Tina na magiging BFF (best friend forever) sila ni Lotlot kapag nagkaroon ng chance na makapag-usap sila.

“Kung ako ang tatanungin, siyempre I would like to be friends with her.

“Pero ayoko namang mag-assume.

“Depende pa rin kay Balot iyon if she will accept me as her friend.”

FRIENDS WITH MONCHING. Sa kabilang banda, sinabi ni Tina na okey naman sila ngayon ni Monching. Nagkasama kasi sila sa teleserye ng GMA na Once Upon A Kiss.

“Okey naman kami ni Monching.

“Noong magkatrabaho ulit kami, parang wala lang. Hindi naman na kami nailang sa isa’t isa.

“Nagkukuwentuhan kami. Panay nga ang throwback namin!” natatawang sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw nila inuungkat pa ang mga nakaraang isyu.

“Wala nang mga ganun.

“The past is past na, and there’s no need para ungkatin pa ang mga old issues.

“It’s just good to see na yung batch namin [sa That’s Entertainment] ay very busy pa rin sa showbiz.

“Hindi lang kasi sina Balot at Monching ang busy.

“Nandiyan pa rin sina Janno [Gibbs], Rita [Avila], Jestoni [Alarcon], Jojo [Alejar], Cris [Villanueva], Sheryl [Cruz], and Manilyn [Reynes].

“Parang nabuhay na ulit ang That’s Entertainment ni Kuya Germs dahil sa pagiging active pa rin namin.”

Hindi rin daw tinanong ni Tina si Monching tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Lotlot.

“Never ko namang itatanong ‘yan kay Monching. That is too personal.

“Nirerespeto ko naman ang naging samahan nila.

“Like what I said, wala nang ungkatan ng mga nakaraan, kasi naka-move on na kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN