Julia Barretto thankful that Iñigo Pascual is in her life

Julia Barretto on Iñigo Pascual: "Naa-appreciate ko talaga that he’s in my life. I can have the person that I can run to. Yung magiging girlfriend niya, magkakaroon ng taong mata-trust, magki-care sa kanya genuinely, ha, aalagaan, mapupuntahan anytime. Kung ganito siya as a friend, what more kapag boyfriend na, ‘di ba?”


Hindi raw apektado si Julia Barretto sa ginagawang pagkukumpara sa loveteam nila ni Iñigo Pascual at sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.

Wala rin daw isyu kay Julia kung sinasabi mang hindi pantay ang exposure nilang apat sa pelikulang pinagsamahan nila—ang Para Sa Hopeless Romantic ng Star Cinema at Viva Films.

Lumalabas kasing second lead lamang sina Julia at Iñigo kina James at Nadine.

Sabi ni Julia tungkol dito, “It’s a story within a story.

“Siyempre, kung may makakapagsabi kung equal, it’s the writer, the author, and the director.

“But the most important thing, we did our very best para makumpleto ang pelikula, yun na yun.”

May pressure ba sa kanilang dalawa ni Iñigo na sina James at Nadine ay napatunayan nang kayang magdala ng pelikula?

Sagot ni Julia, “No, we’re enjoying the process. We just enjoy the process of being a new loveteam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Julia sa presscon ng Para Sa Hopeless Romantic, noong April 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.


RELATIONSHIP STATUS. Halata ang pagiging sweet nina Julia at Iñigo.

Sa ibang nakakakita kung gaano sila ka-touchy sa isa’t isa, iisipin na sila na, pero ayaw lang nilang umamin. Ano ang masasabi ni Julia rito?

Tugon ng Kapamilya young actress, “No, kasi sa friendship, doon ang basehan talaga at doon ang chemistry nanggagaling.”

Friends lang ba sila o more than friends?

Natawa at sinang-ayunan ni Julia ang sinagot ni Iñigo na “JulNigo status.”

“Maganda yun, a #JulNigostatus!”

Ano ang #JulNigostatus?

Sabi ni Julia, “We don’t know kasi where this whole thing will gonna lead us to.

“Kasi, normal na lumalabas. Normal na kumakain out.

“We’re comfortable na hindi na siya nabibigyan ng malice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling manligaw ng iba si Iñigo, masasaktan ba siya?

“Ako kasi, whenever Iñigo’s happy, there I will be happy,” sabi ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Matagal bago nakasagot si Julia sa tanong kung hindi ba siya magseselos kung sakaling manligaw sa iba si Iñigo.

Kalaunan, sabi niya, “Parang never ko naisip yun... yun nga, kung saan siya masaya, doon ako masaya.”

THANKFUL TO HAVE IÑIGO IN HER LIFE. Boyfriend material ba si Iñigo?

“Honestly, yes,” mabilis na sagot ni Julia.

“Kaya naa-appreciate ko talaga that he’s in my life. I can have the person that I can run to.

“Yung magiging girlfriend niya, magkakaroon ng taong mata-trust, magki-care sa kanya genuinely, ha, aalagaan, mapupuntahan anytime.

“Kung ganito siya as a friend, what more kapag boyfriend na, ‘di ba?”

May mga naging ka-loveteam na rin naman siya dati, pero masasabi ba niyang kay Iñigo lang siya naging ganito ka-close, ka-open?

Ayon kay Julia, “Kasi, he makes me feel like it’s okay to be like this towards him.

“He makes me feel comfortable. He lets me be myself.

“Malambing ako, e. So, okey lang sa kanya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN