Manny Pacquiao to buy 900 tickets worth $3M-$4M for his fight against Floyd Mayweather Jr.

Tinatayang aabot umano ng $3 to $4 million o P135 million hanggang P180 million ang gagastahin ni Manny Pacquiao upang makabili ng 900 tickets sa kanyang nalalapit na laban kay Floyd Mayweather Jr. Ang mga tiket na ito ay ipamamahagi raw ni Pacquiao sa kanyang pamilya at mga kaibigan.


Tinatayang aabot sa $3 million, o higit pa, ang gagastusin diumano ni Manny Pacquiao sa pagbili ng mga tiket para sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr., sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada, sa May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Ang mga tiket na ito ay sinasabing ipamamahagi ng Pambansang Kamao para sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at entourage.

Ayon sa ulat ni Kimberly Pierceall ng Associated Press, binayaran umano ni Bob Arum, Top Rank founder at CEO, ang kanyang sariling ticket para sa laban nina Pacquiao at Mayweather.

Sinabi rin daw ng ring promoter ni Pacquiao na malaking halaga ang ilalagak ng Filipino boxing champ para bumili ng tickets.

Ayon sa ulat, nagbayad daw si Arum ng $10,000, o tinatayang P450,000, para sa kanyang sariling ticket.

Samantala, tinataya namang 900 tickets ang bibilhin ni Pacquiao, at nagkakahalaga raw ito ng $3 to $4 million (P135 million hanggang P180 million).

Ang mga tiket na ito ay para sa mga taong mapapabilang sa entourage ni Pacquiao.

Sabi pa sa ulat, limitado lamang ang ibinentang tickets sa publiko.

Tinataya ring aabot ng $11,000 o may kalahating milyong piso ang halaga ng ticket sa Pacquiao-Mayweather fight sa secondary market, ayon kay Jesse Lawrence, contributor ng Forbes Magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN